Monday, July 23, 2018

Scary Long Distance Relationship Part 3

Leave a Comment
Agad tumakbo ang nurse para tawagin ang Doktor at ang mga ibang nurse para turukan ako ng pampakalma … 
“Bitawan niyo ako !!! bitawan niyo ako parang awa niyo na gusto ko Makita si Mary “ habang tinurok ang injections sa aking kamay …
“Martin sino ba yung Mary na sinasabi sa akin ng aking anak ?? “ tanong ng aking ina sa aking matalik na kaibigan …
“Si Mary po yung kachat nyang babae na taga ibang bansa yung mabait daw at maganda “sagot nito sa aking ina…
“Ah kaya naman pala Mary lagi sinasabi niya”
Ilang oras na ang dumaan muli ulit ako nagising sa pagkakatulog ..
“Salamat at gising kana pare “ wika ng aking kaibigang si Martin sa akin..
“Ano Ba talaga nangyari sakin ?? di ko maintindihan “ tanong ko sa kanya ..
“Alam mo Joseph noong tumakbo ka papalayo sa akin para makipagchat dyan kay Mary ?? bigla ka nalang nabunggo ng kotse ng babae at tumama ang ulo mo sa bato nagsisi nga ako.. kung bakit di kita kinumbense na sumama nalang sa amin para maglaro ng basketball” sagot nito sa akin..
“Kaya naman pala pero napanaginipan ko siya ang saya namin daw sa isat isa sana di na ako nagising sayang!! “
“Baliw ka talaga ano Joseph!!! … tigilan mo na nga yang pakikipagchat mo sa iba para din a maulit itong mga nangyayari sayo ngayun…siya nga pala Joseph mamaya pupunta ulit ditto yung magandang babaeng nakabunggo sa iyo…ay yan na pala eh saglit lang at pagbubuksan ko ng pinto“
“Goodmorning kamusta Joseph ok ka naba ??” tanong ng babae sa akin habang nakatunganga at tinititigan siya…
“Ah totoo ba ito Mary ???” sagot ko sa kanya ..
“Bakit alam mo pangalan ko ??”
“Ako ito si Joseph …di mo naba ako naaalala ?? ako yung kachat mo sa facebook “
“Ahh?? Di ko alam … wala akong facebook account …”
“Ah ms. mary pagpasensyahan niyo na siya kakagising lang niya kasi baka namamalik mata lang siya “ wika ni martin kay mary …
“Saglit nga Joseph … bakit para kang wala sa katinuan ??ikaw ba iyan ”tanong ni martin sa akin habang hawak hawak ang aking balikat..
“Siya yung nakita ko sa panaginip ko pare di ako pwedeng magkamali kasi kausap ko pa siya doon sa panaginip ko …sagot ko sa kanya…
“sigurado kaba sa sinasabi mo Joseph ?? kung siya nga yung babaeng asa panaginip mo eh di ibig sabihin totoo nga siya “
“Oo siguradong sigurado ako di ako pwedeng magkamali taking taka nga din ako eh”
“Joseph ok ka naba ?? kamusta ka may nararamdaman ka paba ??” tanong ni Mary sa akin …
“wala na salamat sa pag aalala sa akin ah “ sagot ko sa kanya…
“Buti naman kung ganun magpahinga kana at para madagdagan pa ang lakas mo may mga dala akong prutas kainin mo narin iyun… sige Martin at Joseph Mauna na ako kasi may work pa ako baka malate ako punta nalang ako ditto after ng work ko…nabayaran ko narin yung bill niyo “
“Salamat Mary hatid na kita sa Labas “ Wika ni Martin kay Mary …
Dumaan ang ilang araw lumipas ang oras sa wakas at lalabas narin ako ng hospital …
“Anak makakalabas kana raw sabi ng doctor …basta wag ka lang daw magpapagod at magpupuyat “ wika ng aking ina ..
“Sige po Ma salamat naman at lalabas na ako gusto ko naring makalanghap ng sariwang hangin at namimiss ko narin ang bahay natin “
“Joseph baka ichat mo na naman si Mary ah ??” wika ng aking kaibigan …
“Manahimik ka Martin baka marinig tayo ni mama “ bulong ko sa kanya …
“Mama asa inyo paba ang number ni Mary di pa kasi ako nakakapagpasalamat sa kanya sa personal pwede ko ba kunin ??”
“Oh ito anak ..makipagkita ka sa kanya pag malakas na malakas kana ok ??”
“Opo Ma wag po kayo mag alala magpapalakas talaga ako”
Agad kung kinuha ang cellphone ko para kunin ang number ni Mary at agad ko din itong tenext ..
“Hello Mary this is Joseph …Yung nasagasaan mo ng iyong sasakyan ..”text ko sa kanya …
“Oh Joseph how are you ?? malakas ka naba ??”
“Ah kakauwi lang namin ng bahay galing hospital “
“ok that’s good ..tenext nga din ng mama mo sa akin na pwede na kayo makalabas ng hospital sabi dawn g doctor pasensya na kung di ko kayo nasundo ah kasi busy din sa work …
“Ok lang iyon …siya nga pala Mary pwede ba tayo magkita sa susunod na araw para makapagpasalamat ako sayo sa personal ??”
“Ah sige ba total tapos ko narin mga Gawain ko ditto sa office pwede na ulit tambakan ng mga papeles hehehehe “
Nagkita kami ni Mary sa isang sikat na kainan ditto sa aming lugar at nagkwentuhan ..
“Mary salamat pala ah …kasi ikaw nagbayad ng Bill namin sa Ospital ??”
“Wala yun ako nga dapat magpasalamat kasi di niyo ako ipinakulong kasi nabunggo kita …. Pasensya kana kasi nagtetext ako noon kaya di kita nakita “
“Ah kaya naman pala ...may sasabihin ako sayo ah pero wag ka matatawa “
“Sige Joseph ano Ba yun ??”
“Alam mo sa ilang araw na paghiga ko sa hospital napanaginipan ko si Mary yung kachat ko sa facebook di ko pa siya nakikita pero inakala kung siya yung asa panaginip ko kamukha mo nga eh kapangalan mo pa kaya nong pagkagising ko tinawag kita kasi akala ko ikaw yung asa panaginip ko …ang weird noh ??”
“Kaya nga eh kakaiba yang panaginip mo ah ??”
Nagpatuloy ako sa pagkwekwento sa kanya sa mga napanaginipan ko noong ako’y tulog at nakahiga sa ospital ng ilang araw …di nagtagal makalipas ang ilang araw na lagi naming pagkikita siya namang pagtatapat ko sa kanya ng aking nararamdaman  …
“Mary …kahit di ikaw yung asa panaginip ko at kahit kamukha mo lang iyun sasabihin ko sayo ito ….Mary Mahal kita …sana payagan mo ako manligaw sayo ..”
“papayagan kita ligawan ako basta wag mo na ulit babanggitin ang Mary na asa panaginip mo ..pwede ba ??”
“Sige makakaasa ka..salamat kasi pinayagan mo ako labis ang tuwa ko ngayung araw na ito..asahan mo pag napasagot kita di ka magsisi sa akin  ”
“hahaha!! papahirapan kita Joseph sa panliligaw mo sa akin “
“ok lang kahit pahirapan mo ako basta para sayo gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang matamis mong Oo “
Makalipas ng ilang buwan panliligaw ko kay mary sa wakas naging kami din sinagot na niya ako ..
“Joseph …Oo na …Sinasagot na kita basta sana wag mo akong saktan wag mo din ako paiyakin “
“Ah ibig sabihin Girlfriend na kita Mary ??”
“Oo …TAyo na Joseph asahan mo magiging mabuti akong girlfriend sayo ..gagawin ko din ang lahat lahat “
“Salamat …ang saya saya ko ngayun …Mahal kita Mary Mahal na mahal “
“Mahal din kita Joseph “
AT dyan nagtatapos ang kwento ni Mr. alangaaw sana nag enjoy kayo sa pagbabasa …wag niyo sana kalimutan magkomento pagkatapos niyong basahin ang kwento…salamat  …

If You Enjoyed This, Take 5 Seconds To Share It

0 comments:

Post a Comment