Monday, July 23, 2018

ang mapusok na buhay ni pablo

Leave a Comment
“Hindi lahat ng bagay ay nasa iyo mayroon ako na wala ka at mayroon ka din na wala ako”
Tektelaoooooooooooooookkkkkkkkkkk!!!!!!!!!!!!!!!!
“Anak gising na umaga na may pasok kapa diba” Wika ni aling marie kay Pablo…
“Opo inay !! Ayy Umaga na pala di ko namalayan ang oras inay ano po palang ulam natin??”
“Kumuha ka ng saging sa likod ng bahay piliin mo ung dilaw na dilaw kumuha ka nang madami  at iyon ang  uulamin hanggang mamayang gabi sige na kung may makikita kang talbos ng kamote kumuha ka narin para may pandagdag tayo sa ulam lakad na”
“Opo inay”
Si Pablo ay nanggaling sa isang mahirap na pamilya ang kanyang itay ay magsasaka at ang kanyang ina naman ay taga binta ng talbos ng kamote sa bayan pero kahit ganun masipag mag aral si Pablo ….
“Inay , itay alis na po ako”
“Ingat ka anak oh ito baon mo tipidin mo nalang hanggang bukas talagang walang wala tayo ngayun ang itay mo di sinahudan nang kanyang amo  ” wika ng kanyang ina …
 “Salamat po inay hayaan niyo pag nakatapos ako sa high school maghahanap ako agad ng trabaho para guminhawa naman ng kaunti ang ating buhay”
4th year high school na ngayun si pablo at sa susunod na taon magtatapos na siya ng high school isa siyang taong punong puno ng pag asa sa buhay matalino at masipag sa kanilang paaralan..
 Umalis na si Pablo sa kanilang bahay habang siya’y naglalakad may nakita siyang “Papaya” malapit sa tulay agad niya itong pinatas ….
“Aba tignan mo naman pag sinuswerte ka, May mamemerenda na ako mamaya sa school”
Habang naglalakad ang binata bigla niyang nakita si mang tomas papunta sa eskwelahan na pinapasukan nang binata agad naman sinakay ni mang tomas si Pablo …
 “Magandang umaga po mang Tomas pwede po bang makisakay sa inyong calabao para di na ako maglakad papuntang eskwelahan  mukhang doon din po ata ang punta niyo”
“Ah sige Pablo tama ka nga dadaan ako doon para magsaka malapit sa inyong eskwelahan halika na para di kana mapagod sa paglalakad ” Wika ni mang Tomas kay Pablo habang hawak hawak ang kanyang kalabaw ..
“Salamat po Mang tomas ”
30 minutes na ang nakalipas kakarating lang ni Pablo sa kanilang eskwelahan habang siya’y tumatakbo nabunggo niya si Teacher Hanna napaupo ito  habang ang kanyang guro naman nahulog ang kanyang mga dalang libro na gagamitin sana niya sa kanyang mga studyante 
“Ayy sorry po Mam “
   “Bat ka kasi tumatakbo Pablo eh di ka pa naman late saka maaga pa masyado sa unang klase mo??”
 “Eh may dapat pa po kasi akong hiramin sa Library may assignment po kasi ako na dapat ko pang tapusin baka mamaya di ko na magawa ito”
“ano ba ung hihiramin mong Libro sa Library”
 “Eh ung sa Math po”
“Aba tignan mo naman ang pagkakataon  ito ibalik mo nalang sa akin mamaya buti nalang natanong ko sayo ?? hiniram ko din kasi itong libro ng math sa library”
Nagpasalamat si Pablo kay teacher hanna at umupo sa tabi ng puno ginawa ang kayang takdang aralin habang siya’y gumagawa ng takdang aralin nakita niya ang kanyang Crush at kaibigan na si Basha…
Si basha ay napakabait na babae at nanggaling sa may kayang pamilya..
“Basha !! Basha andito ako”
“Oh Pablo nagawa mo naba ung assignment natin kay Teacher Hanna??”
 “eh ito nga malapit ko nang matapos sabay na tayong pumasok sa Math”
“Sige Dalian mo na dyan icocompare ko narin itong sagot ko sayo mamaya kung tama ako sa mga ginawa kung takdang aralin”
“Sige Basha  “
Lumipas na ang tatlong minuto pupunta na si Basha at Pablo sa unang klase nila  …
“Ah basha papasok ka pa ba ng koleheyo pagkatapos mo sa hign school” Tanong ni Pablo kay Basha…
“Oo Pablo sinabi ni inay na papasok pa daw ako ng koleheyo at kukuha daw ako ng kursong nursing para daw  mairecomenda ako ni Papa sa kanilang Kakilalang doctor sa abroad eh ikaw Pablo noh kukunin mong kurso?? ”
“Eh hihinto nalang ako alam mo naman mahirap lang ang aking pamilya di ako kayang pagtaposin sa koleheyo siguro pagkatapos natin ng high school tutulong nalang ako sa kanila maghahanap ako ng trabaho para matulungan ko si itay at inay” Sagot ni Pablo kay Basha…
Kringgggggggggg!!!!!!!!!!!!!!
Tumunog na ang Bill ibig sabihin recess na isa ito sa paboritong assignatura nang boung klase  Lumabas na ang lahat para magrecess maliban kay Pablo na parang may malalim na iniisip habang nag iisip nakita naman ito nang kanyang kaibigan na si Basha
“Pablo bat anjan kapa tara sabay na tayo magrecess may kunti akong baon ditong sandwich kung gusto mo hati tayo”
Nagbugtong hininga si Pablo ….
“Haaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!! “
“Noh ba iniisip mo Pablo bat parang may malalim kang problema pwede ko ba malaman baka sakaling makatulong ako sa iyo ?? “
“Basha gusto ko kasi pumasok ng koleheyo kahit saan basta makapasok ako gusto ko pang lumawak ang aking kaalaman sa pag aaral ditto ako masaya ”
“Bakit noh ba gusto mong kurso?? “ Tanong ni Basha kay Pablo….
“Eh gusto ko kasing kunin ung sinasabi ni mam Hanna kanina  ung “Information Technology” parang may thrill kasi alam mo naman ako  mahilig sa thrill”
“Ah ganun ba wag ka mag alala Pablo may awa ang diyos malay mo mamaya pagkatapos natin sa klase may Makita ka na tutulong sayo para makapasok ka sa koleheyo ?? “ wika ni Basha kay Pablo …
Habang nag lalakad ang binata sa kalsada bigla nalang napalingon sa mga nakadikit sa dingding  habang ito ay nagbabasa sa mga banner posters at mga dyaryong nakadikit sa dito may bigla nalang siyang nabasang Scholarship na inooffer  nang isang eskwelahan sa dagupan ..
 “Wow sa wakas ito na!!!  makakapagcollege na ako nito sana makapasa ako sa Exam ”
“Basha Alam mo ba kung ano ang nabasa ko sa kalye scholarship offer  pupunta ako sa University De Dagupan para magtanong kung kalian ang exam para sa scholarship gusto mo sumama”
“sige sama ako Congrats!! Pablo alam ko na makakapasa ka diyan eh matalino ka kaya” Wika ni basha kay Pablo….
“Sana nga basha magrereview ako mamaya araw2x para lang doon”
“sige goodluck Pablo”
Dumaan ang ilang buwan at araw graduation na ni Pablo honor student siya sa boung klase madami siyang narecieve na award 1st honor, best in math, best in science best in mapeh best in Values at kung ano ano pa mayroon din mga awards na bigay nang ibat ibang Universidad…
“Sa wakas ito na ang pinakahihintay ko graduate na ako bukas na bukas din mag eexam ako sa University De Dagupan panalangin ko nalang sa may kapal na makapasa ako” Bulong ni Pablo sa sarili niya…
“Pablo congrats kakainggit ka madami kang natanggap na award siya nga pala punta ka mamaya sa bahay may kunting salo salo para sa celebrasyon ng pagtatapos ko sa high school” Wika ni basha Kay Pablo…..
“Sige sige basha”
Kinaumagahan’’  nag exam si Pablo sa University De Dagupan Bago siya kumuha ng exam pumunta muna siya sa pinakamalapit na simbahan sa kanilang lugar nagdasal ito nang taimtim habang hawak hawak ang kanyang rosaryo..
Ikatlong araw simula noong nag exam siya pumunta ulit si pablo  sa University de dagupan para tignan ang resulta ng kanyang nakuhang exam di niya alam na isa siya sa pinakamataas na nakuhang marka sa boung history ng university 99 out of 100 ang kanyang nakuha …. Tuwang tuwa si Pablo habang binabalita sa kanyang inay at itay…
“Inay  Itay sa wakas mairaraos ko na kayo sa kahirapan pasado po ako sa exam tignan niyo 99 out of 100 makakapasok na ako ng koleheyo tinupad ng diyos ang panalangin ko”
Kinaumagahan din iyon pumunta siya sa simbahan para magdasal di niya akalain na makikita din niya doon ang kanyang crush si Basha…
“BAsha nakapasa ako sa wakas makakapasok na ko sa koleheyo makukuha ko na ang kursong information technology na gusto kung kunin”
“Binabati kita Pablo sa iyong nakamit na tagumpay ” Wika ni basha kay Pablo…
“Salamat Basha “
Umaga na naman ngiti ng araw ang sumalobong kay Pablo umpisa na nang pasok niya sa koleheyo umpisa narin para makipagkilala sa kanyang mga bagong magiging kaibigan sa college unang araw palang nito sa University de Dagupan nagpasiklab na ito ng kanyang husay sa Math …
“ Sino pwedeng sumagot nito madali lang ito napag aralan niyo din ito noong high school” Tanong ni mam tasio sa boung klase….
“Mam ako po pwede ko ba itry”
“Sige pwedeng pwede nong pangalan mo na anak” Wika ni Mam Tasio…
“Mam!!! Pablo De San Juan po”
“Oh sige sagutan mo itong pinapasagutan ko “
 “PAlakpakan natin si Pablo tama ang kanyang sagot” Wika ni Mam tasio…
Lumipas ang araw at oras tapos na ang prelim exam, midterm exam saka matatapos narin ang final exam di mapakali si Pablo dahil nga wala siyang libro lagi siyang asa library doon ang tambayan niya lagi…
“partida Exam na pala bukas sana makapasa ulit ako sa lahat ng assignatura kagaya ng mga nakukuha ko wala din sana akong bagsak para di mawala ang menemaintain kung grade ”
Si Pablo ay isa sa matalinong bata sa boung 1st year student ang nakukuha niyang grades sa kanyang exam 95, to 99 mababa na siguro ang 89 na kanyang nakuha sa Programming bilib din ang lahat ng mga instructor sa kanya dahil sa kanyang pinapakitang husay at galing sa klase pati narin  tatag nang kanyang loob kahit mahirap lang sila araw araw nilang pinoproblema ang kanyang baon para lang makapasok…
“Yes sa wakas tapos na ang Exam sana tuloy tuloy na ito at wala na akong problemahin”
Tapos na ang 1st semester kagaya ng inaasahan pasado si Pablo sa lahat ng subject binalita niya ito sa kanyang inay at itay sa sobrang tuwa muntik na siyang mahulog sa tulay..
“Inay itay andito na po ako may ibabalita akong maganda sa inyo pasado ako sa lahat ng subject ko tignan niyo po ang grades ko Mababa na ang 90 na nakuha ko at ang mataas 98 makakapasok ulit ako next sem sa wakas .”
“Anak proud kami sayo ipagpatuloy mo yang ginagawa mong iyan ”
“Salamat po inay at itay ginagawa ko po ito dahil sa inyo para po di na tayo maghirap
Bakasyon noon Habang naglalakad si Pablo nakita siya ng kanyang kaklase ..
“Pablo remember me im jenny ung kaklase mo musta ka balita ko pasado ka sa lahat ng subject natin ah buti kapa eh ako nga bagsak ako sa dalawa kung subject hehehehe” Wika ni jenny kay Pablo…
“Ah bakit naman jenny noh nangyari ??? magpaturo ka sa akin minsan tuturuan kita pangako”
“Salamat Pablo hmm saan kaba pupunta” Tanong ni jenny kay Pablo
 “Sa Bukirin kukuha nang makakain at panggatong”
“Pwedeng sumama sa iyo  wala kasi ako mapuntahan naghahanap nga ako  para may magawa naman ako kaysa andoon lang ako sa bahay im so boooooooorrreeeeeddddd” Wika ni jenny kay Pablo …
“Sigurado ka jenny ikaw bahala basta wag ka magrereklamo  sa mga makikita mong mga insekto sa bukirin”
“Oo pangako yan”
Lumipas ang ilang minuto asa kabukirin na si jenny at Pablo dahil sa pangangatawan ni Pablo naakit si jenny gumulo ang isipan nito niyaya nya si Pablo sa batis para maghugas sa batis may maling nangyari ..
“Pablo pwede bang pumunta tayo sa batis para maghugas ng kamay at uminom narin ng malinis na tubig”
“Sige Jenny pero malapit nang dumilim saglit lang tayo doon ah” Wika ni Pablo kay jenny…
“Sige Pablo”…
Naghubad si Pablo ng damit para maghugas ng kanyang katawan at kamay muling gumulo ang isip ng dalaga naakit siya  sa binata dahil sa kanyang matikas na pangangatawan na pangmodelo ang thema habang naghuhugas at umiinom sa batis ang dalaga naghubad din ito ng damit…
“Jenny anong ginagawa mo” Tanong ni Pablo sa dalaga habang nakapikit …
“Eh ano pa di ginagaya ka di naman masama diba Pablo “ Sagot ni jenny sa binata habang nakatalikod si Pablo sa dalaga …
“Eh masama babae ka lalaki ako buti sana kung mag isa ka lang” Wika niya sa dalaga..
“Humarap ka nga dito Pablo wag ka mailang ako lang ito ok lang kahit may mangyari sa atin ngaun lang ito buksan mo yang mga mata mo”
“EeEeEehHHHHhhhh bawal nga jenny isout mo na nga yang damit mo”
Hinalikan ni jenny si Pablo sa labi di napigilan ng binata  na maakit hanggang sa may nangyari sa kanila
“Bahala na ngaun lang ito patawarin sana ako nang maykapal“ Wika ni Pablo sa kanyang sarili………
Sa Paglubog nang araw at pag apaw ng dilim sa kalangitan mga bituing lumiliwanag at kumikislap pati ang mga kulisap na kumakanta saka naman nagiging mapusok ang dalawa ng dahil lang sa isang babae nasira ang kinabukasan ng binata nagkaroon ito ng anak nabuntis ni Pablo ang dalaga saka lumihis ng landas ng daan natutong uminom manigarilyo dahil kahiyahiya siya sa kanilang barangay huminto sa pag aaral halos lunurin na niya ang kanyang sarili sa alak.. 
THE END !!!!!!
If you love this blog please follow me thank you!!

If You Enjoyed This, Take 5 Seconds To Share It

0 comments:

Post a Comment