Monday, July 23, 2018

Internet lab....

Leave a Comment
Sana magustuhan niyo aking gawa please VOTE and Leave a Comment thank you :D
Bago kayo magbasa papakilala muna ako sa mga magbabasa ng aking gawa …
 Ako nga pala si James 17 na taong gulang laking Probinsya matangkad at matalino pero tarantado, gangster at babaero narito ang kwento na ginawa ng malikhaing isip ni mr. alangaaw sana inyong magustuhan……
Nag umpisa ang lahat noong nagtransfer ako sa isang kilalang koleheyo sa dagupan isang araw nang pumasok ako sa internet laboratory sa aming paaralan..
“Excuse me ms. May nakaupo ba dito sa tabi ng upuan mo??? “Tanong ko sa isang babae kanina habang ako’y asa internet laboratory sa aming paaralan… 
“Ah wala naman po kuya sige po upo ka nalang po dyan “ sagot nito sa akin ….
Habang ako’y nakaupo at nagbabasa ng wattpad sa internet akin napuna kung ano ang ginagawa nong babae na aking tinanong kanina at muli ko na naman itong tinanong ….
“Ms.  Tanong ko lang bakit di ka po nagnenet eh libre naman ditto ang pagnenet ?? ”
“Eh ang totoo kuya nagpapalamig lang ako malamig kasi ditto at may aircon pa saka mainit sa labas kaya ang tambayan ko lagi ditto sa internet laboratory  wala kasi ako mga kaclosed at wala din kaibigan bago lang kasi ako ditto sa school ninyo po “
“Ah ganun po ba ate eh! Paryas pala tayo bago lang din ako ditto sa school natin transferee din galing ibang school “
“ Eh! sang school ka po galing kuya ??”
“Sa University of Pangasinan  eh ikaw po ate sang school ka din po galing ??“
“Sa U.P Baguio siya nga po pala ako nga pala si jane kayo po noh pangalan niyo ??“ tanong nito sa akin …
“Im James!!  sige Jane nice to meet you my klase na kasi ako until next time ulit malalate na ako sa susunod kung klase tignan nalang ulit kita ditto sa internet laboratory kasi kung minsan ditto din ako tumatambay para magbasa sa wattpad bye “
 Pagkatapos ng klase ko umuwi ako agad habang naghihintay ng sasakyan muli ko na naman nakita si Jane  mag isa at walang kasama dala dala ang hiniram nyang  mga libro agad ko itong nilapitan ….
“Jane ako na magdadala ng libro mo akin na at mukhang nabibigatan ka san kaba nakatira”
“ayY sige salamat James Sa Sta, Barbara ako nakatira “
“Ah aba bakit di kita nakikita don eh taga don din kasi ako sabay na tayo umuwi “
“Eh kasi James di ako lumalabas ng bahay lagi akong asa kwarto nakikita mo naman siguro na madami ako laging dalang libro gusto ko kasi na makahanap ako agad ng magandang trabaho pagkatapos ko sa kurso na aking kinukuha ”
“Eh ano bang kinukuha mong kurso ?? “tanong ko sa kanya…
“Accountancy !!  kahit na ayaw ko ang kursong pinakuha sa akin at ang magulang ko ang pumili non nirerespito ko ang kanilang desisyon pagkatapos ko sa accountancy kukuha ako ng nursing  yun kasi ang gusto ko kunin ” sagot nito sa akin …. 
“Ah ganun ba Buti naman!? tara sakay na tayo para dina tayo magabihan anong oras na kaya hehehehe!! madami pa pala akong dapat tapusing requirements isusubmit ko next week prelim exam na kasi ??nako magpupuyat na naman ako nito sa kakareview “
“Ang sipag mo naman ako nga nanigurado na ako kaya humiram na ako sa library nang mga libro para mataas ang makuha kung grade sa Prelim exam”
 Sumakay na kami sa jip pagkatapos ng ilang oras biglang nasiraan ang aming sinakyan agad namang kaming bumama para humanap ng panibagong masasakyan ngunit sa kalagitnaan ng daan may isang lumapit na bata at ako’y kanyang tinanong ….
“Kuya gwapo  alam niyo bagay kayo ni ate “ wika ng bata sa akin na may dalang paninda …
“Salamat Boy pero itong kasama ko ngayun kaibigan ko lang siya maganda siya noh ??” sagot ko sa kanya …
“Opo!! kuya siya nga po pala bili na kayo nitong tinda kung masarap na Chocolate at malamig lamig bagong gawa ito at ipinapangako ko pag natikman niyo siguradong mapapangiti kayo sa sobrang sarap“
“Aba tignan mo itong batang to Jane madiskarte sa pagtitinda “ bulong ko kay Jane…
“James Bilhin mo na yang tinda niya mukhang nakakaawa siya baka di pa siya nakakabinta “
“Akin na Boy bilhin ko na lahat yan siurado kang masarap ito iuuwi ko ito para kay mama ko “
“Opo kuya wag po kayong mag alala siguradong masarap yan “ Sagot nito sa akin ….
Makalipas ang ilang minuto agad kaming nakasakay sa panibagong jip habang tumutunog Pusong Bato na kanta siya namang inaawit ito ng matandang babae na aming nakasakayan …
“Jane natatawa ako sa kinakanta ng matandang babae napansin mo ba?? wala siya sa tuno mukhang yan ang paborito niyang kantahin”
“Wag ka nga maingay James baka mamaya marinig ka nya magalit pa yan sige ka “
“Manong Para po sa tabi jan sa may kanto pakigilid nalang po “ wika ni Jane sa Dryver ng jip..
“Ah saglit lang po mam tah igigilid ko lang “ sagot nito kay Jane …
“Pano Ba yan James ditto na ako bukas nalang ulit sa School ingat ka sa pag uwi Bye!!“
“Ok ingat ka din “
Kinaumagahan pagkatapos ng aking klase agad akong pumunta sa internet laboratory upang tignan doon si Jane at upang magpatulong sa kanya para bumili ng regalo para sa aking syota na si Camille dahil monthsery na naming sa susunod na araw ….
“Jane !! pwede humingi ng pabor sayo ??”
“Sige ano bay un James mukhang importante ah ??”
“Pwede mo ba akong samahan bumili ng regalo para sa aking syota na si camille uuwi na kasi siya galing manila sa susunod na araw at gusto ko sa araw ng pag uwi niya masurprisa ko siya”
“Sige Walang problema ?? alam mo james kung anong magandang pangregalo sa mga babae yung Singsing at dapat mayron ka din ung bang couple rings “
“Sigurado kaba magugustuhan niya iyon ??” Tanong ko kay Jane…
“Oo !! ako bahala sigurado magugustuhan niya iyon “ Sagot nito sa akin ….
Agad kaming nagtungo sa MALL para Bumili ng regalo para sa akin syota sa umpisa di ko alam kung ano  ang pipiliin ko buti nalang kasama ko si jane para pumili din ….
“James ilang buwan na kayo Camille ??” tanong ni Jane sa akin …
“Walong buwan na kami sa susunod na araw ang saya ko nga eh kahit limang buwan na ang lumilipas nang pumunta ito sa maynila para magtrabaho strong parin ang relationship namin nakakachat at nakakatext ko siya kung minsan busy siya pero ok lang iyon buti nga at uuwi na siya sa kanilang bahay  sa monthsery namin“ sagot ko sa kanya …
“ang swerte naman ni Camille sayo bukod sa mabait at matalino ka!! mapagmahal kapa nakakainggit siya ah “ pabirong sinabi sa akin ni Jane …
Lumipas ang araw sumapit na ang monthsery namin ni Camille sinalubong ko siya sa Bus station nang pagkababa ni Camille sa bus agad kung napuna ang tiyan niya na kay laki at parang manganganak na kasabay nang pag akbay ng di ko kilalang lalaki at pagbitbit ng mga bag ni Camille tumulo ang aking luha at napaluhod sa aking nakita Buntis na pala siya agad akong tumakbo papalayo para di na niya ako Makita sa pagtakbo ko siya namang pagbagsak ng mundo ko …
Lumipas ang ilang oras ….
Tick….
Tack…
Tick…….
Tack……
Tick …
Tack….
Habang ako’y asa waiting shed tenext ko si  Camille…

If You Enjoyed This, Take 5 Seconds To Share It

0 comments:

Post a Comment