Sa Riles
“Tol tara makisayawan tayo.. daming mga girls sa harap baka mamaya makakita tayo ulit ng chicks dyan” Wika sa akin ng aking kaibigang si megs “
“Ah sige saglit lang at ishoshot ko muna para mawala hiya ko at ng makakilala ako ng mga babae tapos kunin ko narin number nila hehehehe “ sagot ko sa kanya ..
Makalipas ang ilang sigundo agad kaming pumunta sa harap para makipagsayawan sa mga babaeng sumasayaw kasabay ng pagtunog ng mga awiting pangdisco nakabangaan ko ang isang baklang si Shantal
“Hi pogi pwede kaba ?? makasayawan “ tanong nito sa akin ..
“Sige ba!! bakit naman hindi basta ba may isang bucket ng redhorse kang ibibigay sa table namin” sagot ko sa kanya ..
“ah yun ba sige antayin mo nalang …pero habang di pa nangyayari yun makipagsayawan ka muna sa akin hanggang matapos itong nakakaindak na sayaw”
“Ah sige asahan ko yan ah “
Habang kami’y nagsasayawan ni Shantal agad kug napansin ang babaeng iba ang tingin sa akin at ito’y aking nilapitan
“Hi miss pwede ba makipagsayawan sayo?? Siya nga pala ako nga pala si Ethan at ikaw Si ???”
“ako nga pala si Mika so Ethan nag aaral kapaba ??? “
“Oo sa University of Pangasinan eh ikaw ??”
“Stop na ako wala na kasi pang aral kaya yun tumigil nalang ako para naman makatipid saka nagwowork na ako upang matulungan ko mga magulang ko”
“Ay buti naman kung ganun pwede ko ba kunin number mo ???saka taga san ka pala kung di mo mamasamain??”
“Sa lingayen bakit liligawan mo ako ?? ok lang basta may dala ka laging rosas hehehe “
“Agad agad ?? di ba pwedeng kilalanin muna kita para bago kita ligawan ??”
“Sige ba kaw bahala nabigay ko naman na number ko eh txt mo lang ako “
Sa nakakaindak na togtog at nakakaaliw na musika sa pagsayaw ko sa disco isang babae ang aking nabangga na nagngangalang iyah..
“Awwtss noh kaba di mo ba tinitignan dinadaanan mo ?? “bulyaw sa akin ni iyah..
“Pasensya na miss kasi naman po angsikip sikip na ditto sa harap kaya di ko sinasadyang banggain ka ang hirap kasi dumaan eh “ sagot ko sa kanya..
“Ayy pasensya kana ethan kaibigan ko yang nakakaaway mo pasensya kanarin kung may nasabi siyang mali ” wika ni Shantal sa akin ..
“Ah ganun ba ok lang iyon ..pasalamat ka miss maganda ka kundi minura din kita “
Bulyaw ko kay iyah ..
Lumipas ang ilang minuto… tumigil ang kantang pangdisco ang thema at sumunod ang mga tugtug ng mga banda sa giliw ng awiting parang tunog ng mga ibong naghuhuni sa dilim kinuha ko ang kamay ni iyah para maisayaw sa gitna at nagsipalakpakan ang mga taong nakakita sa aming dalawa dahil kami ang naunang sumayaw sa gitna
“Iyah tama ba ?? pwede ba kita isayaw sa gitna “ tanong ko kay iyah habang nakaluhod at inaabot ang kamay kung nanabik na mahawakan siya..
“Ah sige pero sandal lang ah kasi masakit na paa ko “ sagot nito sa akin ..
“Salamat naman kung ganun “
“Siya nga pala pwede ko ba kunin ang number ng magandang dilag na nakilala ko dahil lang sa pagkabangga ko sa kanya ??”
“Ah mr. Ethan diba nakikipagsayawan ka lang sa akin ?? bakit pati number ko kukunin mo ??”
“Ang sungit mo naman …hinihingi lang number mo ayaw pa ibigay “
“oh siya ito na akin na yang cp mo…basta magpakilala ka sa akin pag tenext mo ako ah kasi di ko nirereplayan mga di ko kilalang number ok !! “
“Ah sige ba ngayun palang itetext na kita “
“oh siya pagod na paa ko mamaya nalang ulit tayo sumayaw makipag inuman ka muna sa mga barkada mo at makikipag inuman din ako sa mga barkada ko “
“ok salamat sa number mo miss sungit hehehe “
Muli na namang nabago ang kanta pinalitan ng mga nakakaindak na tugtug at nakakaaliw na mga kanta muli akong sumayaw kasama ang aking mga tropa sa aming pagsasayaw kasabay ng mga taong di ko kilala nilapitan ako ni Mika
“Hi Ethan sayaw ulit tayo ah ??” tanong ni mika sa akin .
“Ah sige ba “ sagot ko sa kanya …
“so ano na ??? pwede kaba ngayung gabi ??” tanong nito sa akin ..
“anong pwede?? di kita maintindihan ?? “ sagot ko sa kanya sabay halik sa aking labi …
“Ayan ang ibig kung sabihin sa pwede na kung ok lang sa iyo ibigay mo itong gabi para sa akin “
“Di pa ako ready sa mga ganyan pasensya na “
Habang papaalis ako sa tabi niya agad niya akong hinila sa kamay at hinalikan niya ako sa labi di ko namaligtaan asa likod ko pala si Iyah na tinatawanan ako
“Oyy iyah bat ka tumatawa jan ah …baliw ka talaga pinapakinggan mo usapan naming ni Mika “ wika ko kay iyah..
“natatawa ako sayo kasi ganyan ka palang lalaki pakipot madami na akong nakilala pero ikaw lang ang nakilala kung ganyan “ sagot nito sa akin habang natatawa ..
“hey !! tumigil ka nga dyan baka mamaya halikan kita di kana makatawa pa “
“ayaw ko nga kahit jan mo ah ano ako kalapating mababa ang lipad ??sige tah tinatawag na ako ng mga kasama ko uuwi na raw kami medaling araw na kasi may pasok pa ako bukas sa work ko ingat “
“ah ok ingat din kayo salamat sa time mo “
Habang papalabas ng disco bar nakita ko ulit si Mika at muli ulit akong hinalikan sa harap ng aking mga barkada
“Saglit Ethan may ibibgay lang ako sayo “ wika ni Mika sa akin ..
“ano naman yun ??? “ sagot ko sa kanya ..
“Ilapit mo at ibubulong ko sayo … “
“Ethan ang gwapo mo …kung ok lang sayo na magsama tayo ngayung gabi at papaligayahin kita ..”wika nito sa akin kasabay ng paghalik sa aking mga labi..
“Oyy pari ang tibay mo talaga sa mga babae …tignan mo yan babae na lumalapit sayo hehehehe “ wika ng aking kaibigang si Megs …
“ano kaba pari ewan ko nga kung bakit ganun eh di naman ako gwapo may itsura lang tapos maapeal lang hehehe “ sagot ko kay megs ..
Sa di kalayuan andon si iyah at ang kanyang mga kasama naghihintay ng masasakyan …
“Hi iyah wala ata kayo masakyan ?? pwede ba sumabay kami sa inyo mukhang magkaparyas tayo ng uuwian “ tanong ko kay iyah ..
“Ah bakit ethan taga san ba kayo ?? “ sagot nito sa akin …
“Sa Sta, Barbara eh kayo ba ???”
“Don ako nagboboarding house sa may Reles “
“Hindi ba delikado doon ??”
“Ah hindi naman ..saka never pa akong pinagtripan doon o kaya binastos kahit umuuwi ako ng gabi“
“Ah kaya pala ang hilig mo gumimik …yan na ata yung bus tara jan nalang tayo sumakay para di na tayo maghintay“
“ah sige saglit lang at paparain ko lang para Makita tayo “
0 comments:
Post a Comment