Scary Long distance relationship
Sabi nila wala daw nagtatagal sa long distance relationship pero para sa akin hindi iyon totoo ako nga pala si Joseph mahilig makichat sa facebook, yahoo messenger at iba pa…
GAnito nag umpisa ang Scary Love Story ko …
Isang gabi nagfafacebook ako… habang nagfafacebook eneexplore ko kung sinong mga nakaonline na friends ko pero yung iba di ko kilala ..
“Hi can we chat for a few minutes ??” tanong ko sa isang babaeng di ko kilala …
“yes??? who are you ??“ sagot nito sa akin …
“Im joseph!!?? you know your so cute in your profile pictureand beautiful “ biro ko sa kanya…
“Oh! Really thank you!! ikaw din cute mo din like a dog hehehehe “
“Alam mo pala magtagalog kala ko foreigner ka salamat naman at di na ako mahihirapan magsalita sa pag eenglish “
“Ah oo naman.. dyan ako nanirahan ng ilang taon eh saka dyan din ako lumaki but at the age of 18 dito na ako pinatira ng lola ko at mama ko sa Canada kasi maganda raw ang buhay ditto “
“Agree!! naman ako doon ganyan din ang sinasabi nila masarap daw ang buhay dyan sa Canada mas lalo na pag naging citizen kana dyan “
“Masarap anong lasa naman ng Canada hahahaha” pabirong sinabi sa akin ng kachat ko…
“siya nga pala miss Foreigner kanina pa tayo nagcoconversition sa pagchachat di ko pa alam name mo ??” tanong ko sa kanya …
“ah ganun hehehe by the way im Mary my name in my facebook is not true dahil ang mga ibang friends ko ditto sa canada niluluko ako dahil sa pangalan ko kaya nagdecide ako na palitan ito“
“Ayy kaya naman pala ok lang naman name mo ah maganda nga eh parang angel “
“salamat sa pagpuri sa pangalan ko namimiss ko na ang pinas gusto ko ulit magbakasyon dyan siya nga pala anong oras na dyan ah “
“Ah ditto 11:00 pm na dyan ba ??”
“isang araw ata ang pagitan natin ditto saka dyan ?? ditto kasi 11am na “
“Ah ok! mary pag nagbakasyon ka ditto sa pinas sabihin mo sa akin ah sige at matutulog na ako may pasok pa kasi ako tom. Goodmorning dyan sa inyo goodnight ditto sa pinas “
“Wait joseph please don’t sleep makipagchikahan ka muna sa akin about the Philippines kung musta na ang Philippines at kung anong lagay “
“Bakit tao ba ito para kumustahin hahaha?? ok lang naman ayon maganda parin pasyal ka ditto ok ”
“Sure next year pupunta kami dyan ni tita“
Lumipas ang ilang oras dahil sa pakikipagchat ko kay Mary sa facebook di ko namanlayan ang oras alas kwatro na pala ng madaling araw tumilaok na mga manok at nagising narin sila mama para magluto ng agahan naming magkakapatid ..
“ok ms. Mary pinuyat mo ako until next time nalang kasi tutulungan ko pa si mama magluto H.R.M student kasi ako hehehe “
“Ok nice to meet you Joseph thank for your time“
“AyY sa wakas kung di lang maganda ung Mary na iyon tinulugan ko na sana… puyat na naman ako”wika ko sa sarili ko habang papalabas ng kwarto …
“Good Morning mama “
“Good morning anak bakit parang puyat na puyat ka di kba nakatulog kagabi o nagreview ka kaya mukha kang puyat ??”
“Ma nag internet pa kasi ako saka may ginawa ako kaya iyon mukha akong puyat “
“aHHH kaya naman pala ang sipag talaga ng anak ko “
“Di naman po mama slight lang magluto na nga po tayo ng agahan natin para matapos agad “
Agad naming tinapos ang aming agahan para makatulog pa ako kahit kaunti at para di rin ako antukin sa eskwelahan
“ Joseph … Joseph …gising kana malalate kana sa eskwelahan ” wika sa akin ng aking ina …
“Ah bat di niyo ako ginising agad malalate na ko mama pano ito “ sagot ko sa kanila …
Agad akong nagmadali para makahabol pa ako sa aming quiz na gaganapin ngayun sa unang subject ko…
“Anak di kanaba kakain ??”
“Di na po mama malalate na ko mamaya nalang pag uwi ko sa bahay …sa ako kakain mauna na po ako “
“ Oh!! Mr. Joseph R. Velasco diba sabi ko ang malalate ngayun di na makakapagtake ng quiz kaya labas kana zero kana sa second quiz natin ngayun “ Bulyaw sa akin ng teacher kung masungit …
“Dumaan ang ilang minuto sa wakas tapos na sila nagquiz makakapasok na ako sa room”
“Mr. Joseph may sinabi ba akong pumasok ka sa room bukas ka nalang pumasok ditto ok !! “ galit na galit na sinabi sa akin ng teacher kung masungit habang nakatitig ang mata ng mga kaklase ko sa akin …
“pareng joseph bat ka nalate kanina yan tuloy di ka nakapag quiz sa dragon natin teacher .. “ wika ng aking kaibigan na si martin …
“Eh kasi pare may nakachat akong magandang babae sa facebook di ko naman matanggihan kasi nga sayang ang pagkakataon na makilala ko siya baka magbakasyon daw siya ditto sa susunod na taon makikipagkita ako “sagot ko kay martin …
“Ayy na naman pang ilang beses mo nang sinabi yan sa akin Joseph eh ??sino na naman ba ang babaeng iyan “
“Si mary taga ibang bansa pero iba siya nakausap ko din siya ng matagal kagabi narinig ko pati boses niya basta naniniwala akong pupunta iyon ditto “
“Oh saan ka pupunta diba maglalaro pa tayo ng basketball mamaya ??”
“mauna na ako pare kasi makikipag usap ulit ako sa kanya para mas lalo ko pa siya makilala at malay mo pumunta iyon ditto “
“baliw kana nga Joseph sige tatawagin ko nalang sila Bengson para makalaro ko siya ingat ka nalang at baka dumaan kami doon sa bahay niyo mamaya“
Pagkarating ko sa bahay agad akong nagpalit ng damit at siniwitch On ang computer at nag log in sa facebook…
0 comments:
Post a Comment