“Pare kinakabahan ako sa gagawin natin baka mamaya maging O.A tayo dito sa harapan ng bahay nila melissa at baka mamaya may masabi ang mama at papa niya magback out nalang ata tayo” wika ni pelepe sa kanyang matalik na kaibigan na si Jun …
“Alam mo andito na tayo ngayun mo pa naalalang magbaback out ?? sayang naman tong mga kasoutan natin, na hiniram ko pa sa aking lolo ano kaba?? ito ung turo sa akin ni lolo pedro maswerte ka nga ikaw ang unang gagawa nito sa iyong gustong ligawan, ang paghaharana at para maging kakaiba naman diba??”
“Pero tignan mo naman Jun sa ating mundo ngaun pinapatakbo ng technolohiya may cellphone at computer naman para gamitin sa panliligaw diba pwedeng iyon nalang ?? kasi nahihiya na ako sa ganitong kasuutan para manligaw” saGot ni pelepe habang pulang pula ang mukha ..
“Akong Bahala sayo?? ako rin naman nahihiya pero susubukan lang natin ito aking kaibigan kaya wag ka mag alala ok?? nanoud ako sa youtube ng mga nanghaharana din sa kanilang sinisinta pinag aralan kung mabuti kung anong umpisa at anong wakas ng thema natin dito kaya manalig ka lang at wag ka kabahan Pelepe”
Makalipas ang limang minutong pagpreprepara tumunog ang guitara at inumpisahan na ni pelepe ang pagkanta para sa kanyang sinisinta …
“Oh! Ilaw sa gabing madilim “ kanta ni pelepe sa kanyang sinisinta …
“Melissa halika ka nga ditto kilala mo ba itong mga taong to parang ikaw ang kinakantahan “ wika ni aleng eseng lay melissa…
“Ay opo inay “ Sagot ni Melissa sa kanyang ina …
“Hoy!! Pelepe at Jun anong ginagawa niyo dyan bat niyo ako kinakantahan nakakahiya sa mga tao at kapit bahay namin”
“May ipagtatapat sana si Pelepe sayo Melissa sana pakinggan mo siya “ Wika ni Jun kay Melissa …
“Ah ano kasi Melissa ,,, ahmmm ,,, hmmm hinaharana kita kasi mahal kita kung ok lang sana ako’y payagan mong ligawan ka at maipahayag ang aking nadarama “
Habang nagtatapat si pelepe,’ siya namang hiyawan ng mga tao na parang kinikilig sa mga sinasabing malulutong na bigkas ni pelepe kay Melissa muli na namang namula ang mukha ng binata ….
“wOhh!! Melissa payagan mo nayan manligaw sayo sayang ang effort at porma niya “ Sabi ng isang taong di niya kilala..
“mga Anak pasok muna kayo ditto sa bahay naghanda ako ng kunting makakain at maiinom Melissa papasukin mo sila “ Wika ni aling eseng sa dalawa ….
Nagbugtong hininga si pelepe habang pumapasok sa bahay nila Melissa kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Jun …
“Pare loko ka talaga di nalang natin sana tinuloy ito tignan mo pati mga tao nakiusyuso sa atin sigurado bukas ?? balita na naman ito sa ating baranggay at sigurado pati sa eskwelahan pag uusapan tayo “ Bulyaw ng binata sa kanyang matalik na kaibigan ….
“Eh ok lang iyon pare atleast pinadama mo ang iyong nararamdaman parang kanin yan pag di mo inihipan di yan lalamig hahahaha “ Sagot naman nito kay pelepe ….
Habang sarap na sarap sa pagkain at inuming ginawa ni aling eseng kinausap ni Melissa si pelepe na nahihiya sa ginawa ng dalawa….
“Alam mo pelepe nakakainis ka bakit?? Hinarana mo ko papayagan naman kitang manligaw sa akin kahit sa text mo sabihin oh kahit sa personal para mas maganda kaysa ditto “ wika ni Melissa kay pelepe..
“pasensya kana melissa ang nakaisip kasi nitong aming ginawa ay si jun !! pero ok naman ung ginawa namin diba atleast nag effort pa ko “
“Loko ka talaga sige pinapayagan na kita manligaw sa akin pero sa isang kundisyon sana naman wag mo na uulitin itong paghaharana mo kasi di ako sanay sa mga ganun panliligaw?? swerte mo pag napasagot mo ako”
“So ?? Pinapayagan mo na ako Yeahhhh?? Pangako Melissa pag napasagot kita pasasayahin kita at gagawin ko lahat ng makakaya ko para maibigay sayo ang lahat ng gusto mo ”
“Sabi mo yan ah kung hindi sige ka hehehehe “
“Oh!!! Ano pelepe pinayagan ka na ba manligaw ?? “ Tanong ni Jun kay pelepe habang punong puno ang kanyang bibig nang tinapay at puto …
“Oo Jun salamat sa ginawa nating paghaharana at sa pagsasama sa akin magharana sa aking sinisinta kahit na hiyang hiya ako Apeeerrrr tayo Dudes “
“Ah aling eseng mauna na po kami pasensya na po sa pag aabala sa inyo sa disoras ng gabi at salamat din sa masarap na tinapay at juice nasarapan po kami“
“ok lang un mga anak ingat kayo sa daan” Sagot ni aling eseng kay pelepe
“Sige Melissa mauna na kami”
Kinaumagahan Habang naglalakad si pelepe agad niyang nakita si Melissa na naglalakad din papuntang eskwelahan nagsabay ang dalawa ….
“Hi Melissa papasok ka naba pasensya kana di kita natext kagabi kasi ubos na ang load ko !! ubos narin load nila aling goring kaya di ako nakapagpaload ”
“Ok lang un pelepe sabay na tayo pumunta nang school alam ko doon din ang tungo mo tama ba ko pelepe ??? “ wika ni Melissa kay pelepe …
“Oo doon din ang punta ko tara bilisan na natin baka mahuli pa tayo “…
Buwan na ang lumilipas hindi pa rin sinasagot si pelepe ng dalaga ?? isang araw habang naglalakad ang dalawa muli na namang tinanong ni pelepe si Melissa kung kailan ito sasagutin …..
“Hmmm Melissa kailan mo ako sasagutin eh matagal na ako nanliligaw sayo ilang buwan na ah “ Tanong ng binata …
“Eh di ka ata makahintay pelepe ?? sige na nga kung gusto mo sasagutin na kita ngaun kaya wag kana magdrama diyan kasi di mo bagay para kang tuta na naghahanap ng gatas sa kanyang ina hahahaha“
“Oyy di ako tuta ah!! Bheelaatt so sinasagot mo na ako ?? di nga ung totoo ??“
“Oo nga diba sinasagot na kita pelepe “
“Yess sa wakas kami na ni Melissa kami na woooooOOOO “
“Oyy pelepe tama na nga yan sige ka baka bawiin ko ung mga sinabi ko sayo “
“Ayy Melissa pwede humingi ng kiss “ tanong ni pelepe sa dalaga….
“Ah un lang ba sige pumikit ka Hmmmmmmmwaaaaaaaahhhxxxxx yan yan tama na ah“
Lumipas ang araw nagging masaya ang dalawa magkasama pumasok, magkasama kumain, at magkasama kahit saan pumunta un na ung hinahangad ni pelepe sa buong buhay niya ang makatagpo ng isang babaeng mamahalin nito ng buong buo at walang halong biro hanggang sa isang gabi habang asa bahay si melissa at nag iisa may pumasok na dalawang lalaki ……..
“Sino kayo anong kailangan niyo sa akin ?? “ tanong ni Melissa sa dalawang lalaki …
“Wag ka maingay kundi papatayin kita wag ka sisigaw may kailangan lang kaming hanapin sa cabinet ng magulang mo “ sagot ng isang lalaki sa kanya habang tinatali ang dalawang kamay ni Melissa sa may lamesa at binabalutan ang kanyang bibig ng twalya …
Tumunog ang telepono agad itong pinatay ng isang lalaki habang bitbit ang patalim sa kanyang baywang nakalagay ang baril ….
“Bakit kaya ako pinatayan ng telepono ni Melissa usapan naming mag uusap kami ngaun sa telepono puntahan ko nalang siya sa kanilang bahay total medjo maaga pa naman at hindi pa masyadong gumagabi “ wika ni pelepe sa kanyang sarili …
Naglakad si pelepe papuntang bahay nila habang naglalakad bigla itong kinabahan na di maipaliwang kung anong kaba ang kanyang nararamdaman tumakbo ito ng mabilis papunta sa bahay nila Melissa hanggang sa matagpuan ni pelepe si Melissa nakatali ang dalawang kamay at ang twalya sa kanyang bibig ……
“Melissa sinong may gawa niyan sayo??”
Agad inalis ni pelepe ang tali sa kamay ni Melissa at twalyang nakatakip sa kanyang bibig …….
“Pelepe umalis kana baka patayin ka humingi ka nang tulong sa mga pulis magmadali ka” Sagot nito sa Binata ….
“Melissa di kita iiwan ditto sabay tayong aalis “
Hanggang sa nakita ito nang isang lalaki na may hawak hawak na baril sa kanyang kaliwang kamay nakita niya ang binata na inaalis ang tali sa kamay ni Melissa .
“taas mo kamay mo babarilin kita kung di mo itataas “ wika ng isang lalaki kay pelepe …
Habang natutuk ang baril sa ulo ni pelepe naglaban ito nakipag agawan ng baril sa isang lalaki habang nakikipag agawan di sinasadyang nakalabit ito nang lalaki nabaril sa tagiliran si pelepe at tumakbo ang dalawang lalaki …..
“Magpakatatag ka pelepe pakatatag ka hihingi lang ako ng tulong” Wika ni Melissa sa binata habang dumadaloy ang dugo sa tagiliran ni pelepe at umiiyak …
“Melissa wag na mamatay na ako mahal na mahal kita pakitandaan mo nalang yan at asahan mo kahit wala na ako… gagawin ko parin ang gusto mo babantayan parin kita at aantayin kita sa kabilang buhay “
Dumating ang mga tao at tumawag ng ambolansya habang paparating ang ambolansya may binigay si pelepe kay Melissa …..
“Melissa itago mo ito at wag mo iwawala gusto ko lagi mo yan sout kahit wala na ako ditto sa mundo”
“wag mo sabihin iyan pelepe wag mo akong iiwan malapit na ang ambolansya pakatatag ka parang awa mo na pelepe wag mo ako iiwan mahal na mahal kita ”
Nakarating na ang ambolancia at papunta na ito sa ospital sakay si pelepe at melissa habang asa ambulancia ang kondisyon ni pelepe ay 50 50 hanggang sa ilang oras na ang nakakaraan ….
Ilang minuto ang nakalipas nakarating din sa wakas ang ambulancia sakay si pelepe sa ospital alalang alala si Melissa ….
“Dok musta na po si pelepe ok na po ba siya anong kalagayan niya pwede ko po ba siya tignan ??” Tanong ni Melissa sa Doctor…
“Ah Melissa pasinsya kana patay na siya di naming siya naisalba sa kamatayan”
“Di totoo yan gigising pa si pelepe wag kayo magsinungaling dok“ Bulyaw ni Melissa sa Doctor habang umiiyak ……..
Pumasok si Melissa sa room kung saan andon ang bangkay ni pelepe niyakap niya ito at iniyakan umiyak ng umiyak at sinabing panginoon kung kukunin mo si pelepe kunin mo narin ako ilang minuto na ang nakakaraan biglang gumalaw ang kamay ni pelepe at muli itong nabuhay ………
“Dok! buhay po si pelepe tignan niyo po siya gumalaw po ang kamay niya“
Agad naman tumakbo ang nurse at doctor kung saan andon si pelepe agad itong sinuri ….
“Oh it’s miracle buhay siya may awa ang diyos dininig niya ang panalangin mo Melissa “ wika ng doctor na manghang mangha sa kanyang nasaksihan….
Agad inobserbahan si pelepe lumipas ang araw at buwan magaling na si pelepe at kinuwento niya ang mga nangyari sa kanya sa kanyang matalik na kabigan dumating din ang araw na magpapakasal na sila Melissa at pelepe kahit silay kakatapos palang ng high school ….
Namuhay ng masaya ang Dalawa nagkaroon ng ilang malulusog na anak at habang nagtratrabaho si pelepe nag aaral naman sa koleheyo si Melissa para ipagpatuloy ang kanyang kursong abogasya …
The End Just Comment and follow me thank you ....phiL..
0 comments:
Post a Comment