“Salamat kung ganun James asahan mo gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin ibibigay ko kung anong mayroon ako at kung anong gusto mo “ sagot nito sa akin …
“Jane hindi naman ari arian ang gusto ko !! ang gusto ko kung pano kita mamahalin at kung pano mo ko mahalin “
“Ah basta gagawin ko lahat yon “
“tara at ihahatid na kita sa inyo para walang masabi mga magulang mo “ tanong ko sa kanya..
Habang asa daan at umaandar ang dyip nakita ko ang aking kaibigan na si Mikko
“Oh James ang aga niyo namang pumunta sa School at bakit magkasama pa kayo ni Jane ??” tanong nito sa akin habang nakikinig ng musika …
“Ehhh may ginawa lang kasi kami ni Jane na project napag usapan naming dalawa na maging maaga nalang kami para maaga din namin matapos ang pinapagawa sa amin ni Mrs. Rosa “ sagot ko sa kanya habang namumula ang mukha ..
“Ah ganun ba buti naman diba nextweek pa natin ipapasa iyon sa kanya ??”
“Oo tama ka mikko ang gusto ko kasi maaga naming matapos para wala na akong problemahin dami dami kasing pinapagawa ni mrs. Rosa “
“Tama ka Jan James ?? Manong Para sa tabi !! Sige ditto na ako may pinapabili kasi si mama na ulam at iyon daw ang almusal naming ingat kayo “
“Sige ingat ka din mikko ikamustahan mo nalang ako kay tita “
“Muntik na iyon ah kala ko mahuhuli na ako kinabahan ako doon “ Wika ko kay Jane
“Buti nalang marunong ka magpalusot James kundi lagot tayo chismoso pa naman si mikko at alam mo yun “
“Oo nga alam ko yun noh ?? Dito na ata yun bahay niyo parahin mo na sa tabi “
“Manong para lang po sa dyan sa may kanto “ wika ni jane sa Dryber …
Ding dong!!!
Ding dong!!!
Ding dong!!!
Tunog nang Door bill ..
“Ang laki pala ng bahay niyo Jane mayaman ka pala “
“Eh hindi naman ayy si mama pala saglit lang at tatawagin ko sila ipapakilala kita ako narin bahalang magpapaliwanag kung bakit di ako nakauwi kagabi “
“Ah!! Wag nalang kinakabahan ako !! mauuna nalang ako baka kasi hinahanap na ako ng magulang ko “
“Dito ka nalang mag almusal James ipapahatid na kita sa dryber namin ayan nap ala si mama eh mama si James pop ala kaibigan ko ” wika nito sa akin …
“Magandang umaga po”
“Ah kaw pala yung James na kinikwento ng akin anak sa akin musta ka ??” wika ng kanyang ina
“mabuti naman po ako mam salamat po “
“Kumain naba kayo saglit lang at malapit na maluto ang niluluto ng mga katulong namin maupo muna kayo dyan “
“Salamat po mam pero kailangan ko napo umuwi kasi hinahanap napo ako ng magulang ko sige po “
“Ah ikaw bahal James pasyal ka ditto minsan ah para makapagkwentuhan naman tayo salamat sa paghatid sa aking anak “
“Ma hatid ko lang po siya sa labas ah “
“Jane ang bait pala ng mama mo sayang at diko sila makakakwentuhan pero minsan papasyal ako ditto “
“anytime welcome ka ditto “
“Sige Jane mauna na ako text nalang kita maya pag nakauwi na ako“
“Ingat ka James “
Matapos ang lahat agad agad akong umuwi sa aming bahay at habang asa dyip nag iisip ako kung anong palusot ang sasabihin ko sa aking magulang
“Magandang umaga po inay pasensya na po kayo at ngayun lang ako nakauwi kasi may ginawa pa kaming project sa school alam niyo naman po busy na ako lagi kasi malapit na ang exam “ wika ko sa aking inay
“Ah ganun ba anak maganda iyan pero sana naman magpaalam ka sa akin kung gagawa kayo ng project para naman di kami mag alala ng iyong itay “
“Opo inay din a po mauulit magpapaalam ako sa inyo pag magagabihan ako”
“Sige! kumain kana nakahanda na yung pagkain “
“Sige po”
Pagkatapos nang ilang minutong pagkain agad kung tenext si Jane
“Hi Jane musta ka naman na ??”
“Ok lang naman namimiss kita James kita tayo maya gusto mo ??”
“AH?? magkikita magkasama lang tayo kanina ah ?? di ka paba nagsasawa sa mukha ko at siya nga pala pinagalitan ka siguro ng mama mo ano ??
“Ah hindi naman James pinaliwanang ko kasi lahat pero nagsinungaling ako sa kanila James sige na magkita na tayo pleasseeee !! “
“Hmmm Sige na nga pero wag tayo magpapagabi saglit lang at magpapaalm ako sa magulang ko para alam nila kung saan ako pupunta “
“Ok !! James “
“Ina may pupuntahan po ako kasama ko po Kasama ko po si Jane may gagawin daw kami “
“Sige uwi ka nang maaga ah at wag ka papagabi ??” wika ng aking ina ..
“Opo”
“Jane nakapagpaalam na ako kita nalang tayo sa harap ng school ingat ka “
“Ok !!! on the way na ako “
Makalipas ang ilang oras asa school na ako kasama ko narin si Jane
“Jane saan mo ba balak pumunta ?? “
“ako bahala sama kalang sa akin ok “ sagot nito sa akin kasabay na kanyang paghalik sa aking labi..
“basta ikaw na ang bahala wala akong dalang pera ditto”
“Manuod tayo ng movie may bagong palabas ngayun “
“Sige ba ??”
“Habang asa sinehan muli na namang nagdikit ang aming malambot na labi kasabay ng palabas sa sinema”
“alam mo Jane ang galing mo talaga humalik hahahaha “ Pabirong sinabi ko sa kanya ..
“eh pati ikaw rin kaya”
“Ayy nagugutom tuloy ako tara libre mo ko sa mcdo labas na tayo ditto “
“Sige James I love you “
“Oo na tara na “
Kumain kami at pagkatapos kumain naglaro kami sa World of Fun sa isang kilalang mall sa aming lugar at pagtapos naming maglaro umuwi na kami agad para din a kami magabihan
“Jane salamat ah nag enjoy ako kanina sa mga ginawa natin “
“Walang problema James basta sa susunod ulit ah “
“Sige I love you Jane“wika ko sa kanya
“Ano?? Ano?? Anong sabi mo james pakiulit ??”
“Wala sabi ko ingat ka sa pag uwi”
“oo na I love you too James Bheeelat !!! “
Kasabay ng paglubog ng araw ang mga ngiti na siyang aming naranasan sa araw na iyon at dumaan ang mga araw isang kagulat gulat na balita ang aming natuklasan
“James wag ka magugulat ah ??”
“Ano yun Jane ??
“Buntis ako James “”
“Ano wag ka nga magbiro ng ganyan di ka nakakatawa “
“Di ako nagbibiro James kahit tignan mm itong fregnancy test naramdaman ko ito noong mga nakaraang araw hindi ako dinatnan noong una akala ko delay lang ang regal ko pero nong naramdaman kung din a ako dinadatnan bumili ako agad ng fregnancy test ito nga ang proweba “wika nito sa akin …
“AHHHHH di pwede yan madami pa ako pangarap sa Buhay bakit ganyan hindi akin yan wag ka magsinungaling” Sagot ko sa kanya …
“Di ako nagbibiro James panagutan mo sana ito “
“Ipalaglag mo iyan Jane isang malaking kahihiyaan yan sa aking pamilya”
“Ano kaba ipapalaglag ?? gago kaba papatayin mo anak natin hindi pwede yan kung ayaw mo panagutan itong bata sige ako ang magpapalaki ditto “
“Ah basta di sa akin iyan di ko naman pinutok sa loob ang at sigurado ako doon baka sa ibang lalaki iyan “
“anong tingin mo sa akin babaeng pok pok ?? babaeng mapupulot lang sa daan ano kaba james ako magpapalaki sa batang ito kaya wag ka mag alala mamahalin ko ito kung di mo siya kayang panindigan “
Makalipas ang ilang buwan nahalata nang mga magulang ni Jane na lumalaki ang tiyan niya
“Jane bakit parang lumalaki tiyan mo Buntis kaba ??” tanong ng kanyang ina ..
“Opo mama Buntis po ako at pasensya nap o kayo kung itinago ko ito di ko naman po akalaing mabubuntis ako “ wika ni Jane sa kanyang ina habang umiiyak ..
“Sinong ama ng dinadala mo ??? “ tanong ng kanyang ina habang galit na galit …
“Si James po ?? “
“pwede ba natin siyang puntahan sa kanilang bahay??”
“Sige po mama”
Pumunta si Jane at kasama ang kanyang ina sa bahay namin pero agad akong nagpakalayo layo upang makaiwas sa sumbat ng aking ina lumayas ako sa bahay namin hindi na nila ako naabutan pero makalipas ang ilang taon agad kung hinanap sila jane at aking anak
“Jane ikaw ba yan??” tanong ko sa babae
“James ?? “ sagot nito sa akin
“Jane ako nga ito kumusta kana ??”
Lumapit ito sa akin agad akong niyakap at sinabing
“James ?? matagal na kitang hinihintay kala ko iniwan mo na ako san kaba nagpunta ??” tanong nito sa akin habang umiiyak at higpit na higpit ang yakap sa akin..
“Pasensya kana Jane sa mga nagawa ko sayo di ko lang alam kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon litong lito ako “ sagot ko sa kanya..
“ok lang yun lumipas naman na eh di na natin maibabalik ang nakaraan siya nga pala ito ang anak natin matagal ka na niya hinihintay ang pinangalan ko sa kanya ay “James” kapangalan mo para maalala kita lagi “
kinuha ko ang anak namin at niyakap ng mahigpit na mahigpit pagkatapos ng ilang buwan nagpakasal kami sa simbahan at namuhay ng masaya at maligaya
The End !!!!
0 comments:
Post a Comment