Monday, July 23, 2018

traydor na kaibigan

Leave a Comment
“Sayaw palang nakakaakit na tignan mo tol pag gumalaw parang walang buto lahat ng mga mata ng kalalakihan dito sa BAR nakatitig sa kanya iba talaga ang maganda pero hanggang tingin nalang ako kasi alam kung di din ako papansinin niyan“
“Ganyan lagi ang sinasabi !!  sa akin ng tropa kung si troy sa tuwing kami’y nagpupunta sa sayawan at inuman dito sa aming lugar ang sikat na sikat na MUSIC WAREHOUSE  kung tawagin“
“Bago ang lahat ako nga pala si Goryo isang matinong tao di ko alam ang uminom maglakwatsha at magbisyo pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala ko si troy “
“Si troy ay nanggaling sa isang mayaman na pamilya kilala sila sa aming lugar dahil ang kanyang itay ay  isang Mayor at angkan ng mga pulitiko ?? kasalukuyan ngang kapitan ngayun ang aking tropa na si TROY dito sa aming lugar at tatakbo siya bilang Vice Mayor sa susunod na halalan ”
“Tol tara gimik tayo libre kita “ wika ni troy kay goryo …
“Ah gimik na naman troy ay di kaba nagsasawa diyan???  saan sa MUSIC WAREHOUSE na naman iinom na naman tayo??  Troy kakatapos lang natin uminom kagabi ah ang tibay mo talaga Ayyy!!!  saka alam ko naman kung sinong titignan mo doon ung nag aacess ng mga beer doon si Kimse tama ??”
“Ah Goryo dami mo pang sinasabi tinanong ko kung sasama ka pero kung ayaw mo ok lang naman sa akin “ Tanong ni troy sa knyang kaibigan …
“Ayy na ko noh paba magagawa ko kaibigan kita saka malaki ang Utang na loob ko sayo at ng pamilya ko”
“Salamat goryo maaasahan ka talaga Alrigth tara na kaw na magdrive ah”
“Sige Sige pero wag tayo iinom ng madami ah baka mamaya dina tayo makauwi nito”
 Habang papunta ang dalawa   sa Music Warehouse nakita nila  si kimse naglalakad papuntang trabaho…
“Hey ! kimse pupunta kanaba sa Music Warehouse tara makisabay ka na sa amin medjo malayo pa ang lalakarin mo ??  doon din kasi ang tungo namin dalawa ni troy diba troy??”
“Ah Ehhhhh Oo kimse makisakay kana samin” Tanong ni goryo kay Troy..
 “Eh diba nakakahiya sa inyo pero sige medjo masakit narin kasi paa ko kagabi pa kaya makikisabay na ko sa inyo” Wika ni kimse ….
Habang nagdridrive ng sasakyan di makapagsalita si Troy …
“Troy kausapin mo naman si kimse para di siya mabored jan ??”
“oo nga troy magsalita ka naman kausapin moko nabobored nako eh hehehehe “ pabirong sagot ni kimse kay Troy….
“Ahhhh mamaya nalang tah inaantok ako ikokondesyon ko muna tong katawan  ko para sa mahaba habang inuman naming ni Goryo mamaya sige tulog muna ko??  Goryo gisingin mo ako mamaya pag asa M.W na tayo”
“Alright troy relax ka muna jan habang katabi mo si kimse hahahaha “ Pabirong sinabi ni goryo  kay Troy….
Habang Tulog si Troy  di sinasadyang banggitin ni Goryo kay  kimse na may pagtingin si troy sa kanya ……….
“Eh kimse alam mo may pagtingin sayo si troy “
“Wag ka nga Goryo pinagtritripan moko ah “ Wika ni kimse kay goryo na medjo namumula ang kanyang pisngi…
“Oo yaw mo maniwala sa akin hahahaha “
“Ay wag ka nga goryo Oh malapit na tayo kaw nalang gumising kay troy kasi magbibihis pa ako ng uniporme  para di ako pagalitan late na ako eh  thank you sa pagsakay” Wika ni kimse  kay Goryo …
“Sige2x ingat ka maya nalang  libre na ung isang Beer sa akin ah hahahaha”
“Troy gising na Dito na tayo makikita mo na ulit ung gusto mong Makita hehehehe ?? siya nga pala troy di ko sinasadya nasabi ko ung feelings mo kay kimse hahahaha pasensyana”
“Loko ka Goryo !! langhiya ka talaga Tsk Tsk”
Tumugtog na ang kanta nagsalita na ang Dj at habang sumasayaw si goryo at sarap na sarap sa iniinom nitong  Beer kasama ang mga dalagang kanyang nakilala tinawag ito ni Troy ..
“Oh bakit Troy?? may problema ba bat anjan ka tara makisayawan ka sa aking mga nakilalang dilag na naggagandahan at ang puputi hahahaha “
“Goryo pwede mo bang tawagin si kimse kahit saglit lang pwede mo ba kami papuntahin sa di maingay at ung kaming dalawa lang Please !!!! “ Wika ni troy kay goryo…
“Ah Ang aga naman troy di pa nga nagiging kayo tapos kukunin mo agad ang pagkababae niya pasagutin mo muna tol “
“Langhiya ka talaga Goryo di iyon  ang gusto ko sabihin magtatapat na ako sa kanya”
 “Ah ganun ba kala ko kasi ano eh hehehehehe?? sige sige akong didiskarte para makapag usap kayong dalawa”
Habang umiinom si Troy at naghihintay agad  pumunta si Goryo sa pinag aacesan ni  kimse at tinawag kahit siya’y nagseserve sa mga costumer nila….
“Ah kimse pwede ba tayong mag uap saglit lang yung sa walang mga tao at walang ingay kung may alam ka pwede doon nalang ??“ Tanong ni Goryo….
“aHhHh???? Sige Goryo may alam ako asan si Troy iniwan mo ata siya??”
“Oo andon siya sa gilid tatawagin ko siya mamaya ok may sasabihin daw siya sayo “
“ah ganun ba tara punta na tayo don sa tahimik at walang tao ung  hindi maingay na alam ko bakit noh ba sasabihin mo sa akin goryo mukhang seryoso kasi”
Agad nag out sa work si kimse pumunta sila ni goryo sa sinasabi niyang lugar  habang naglalakad nagtext si Troy..
“Tol  Ano nakausap mo naba ?? may nahanap ka na ba na  tahimik na lugar at walang tao kinakabahan ako ToL hehehehe?? para magtapat sa kanya pero kakayanin ko ito Txtback asap?? Text ni troy kay goryo ….
“Oo Tol sa may gilid daw ng Music warehouse doon daw may alam siya na pwede niyong pag usapan  “  Reply ko kay Troy…
“Oh!!  Goryo dito na tayo !!! “ wika ni kimse
 “Ahhh kwarto to ah hehehehe oo nga tahimik dito”
“Ayos ok na ok to kay troy hahahaha ito din ung gusto ko para sa kanilang dalawa buti nalang mayroon dito hehehehe” Pabulong na sinabi ko sa sarili ko ….
“Saglit kimse ah may tatawagin lang ako “
“May tatawagin??? kala ko ba may sasabihin ka sa akin kasi may pagtatapat din sana ako sayo Goryo”
Sa ilang Beer na nainum ni Goryo di niya alam na lasing na lasin nap ala ito …
“AHHHHh ano un kimse ????”
 “Kasi ano Goryo Mahal kita nag out ako sa work ko dahil kala ko sasabihin mo na mahal mo ako at gusto mo ako ??? matagal na kitang gusto Goryo dahil sa bait mo kahit babaero ka”
Nabigla ang binata sa sinabi nang dalaga dahil babaero si Goryo agad din nasabi niya sa dalaga na …
 “Kimse mahal din kita “
Biglang hinalikan ni kimse si Goryo habang hinahalikan biglang nagtext si Troy pero di pinansin ng binata ang text ng kanyang kaibigan …
Habang nag iisip si Troy kung ano ang sasabihin niya kay kimse nagtaka ang binata  kung bakit wala pa sa kanyang tabi si Goryo kahit man lang text wala siyang narerecieve galling sa kaibigan niya  agad tinanongni Troy sa manager nang M.w kung asan si Kimse
“Excuse me Sir. Pwede kopo bang Tanungin kung saan po si kimse??” Tanong ni Troy sa Manager na M.W….
“Sir. Nag out napo kasi si kimse sabi niya may pupuntahan daw sila ng parents niya emergency daw” Sagot ng manager kay Troy…….
Naghanap Si Troy at nagtanong tanong sa mga kakilala ni kimse nahanap niya si Goryo at kimse sa isang kwarto na inuupahan nang kaibigan ni kimse …
 “Gago Ka Goryo!! noh ginawa mo langhiya!! ka traydor ka pano mo nagawa sa akin to ah”
 “Saglit troy magpapaliwanag ako”
“Wala ka nang pwedeng ipaliwanag sa akin Goryo tapos nang pagkakaibigan natin kalimutan mo na ko ganyan ka palang tao”
Sinuntok si Goryo at napaluhod ..
 “Ok ka Lang ba Goryo ??“
 “SA tingin mo magiging ok ba ako sa kalagayan kung ito ng dahil sa pag aakit mo sa akin nagkasirasira kami ng kaibigan ko di kita mahal nasabi ko lang un dahil sa sobrang kalasingan ko” Sagot ko kay kimse na galit na galit …
“Ah so Ganun pala pinaglaruan mo lang ako ??” Sagot ni kimse sa akin saBay Sampal sa aking mukha …………
PaaaaaaaaaKKKKKKKKKKKKK…….
“Makauwi na nga hihingi nalang ako ng tawad kay troy bukas sana patawarin niya ako sa aking nagawa“   
 Kinaumagahan pumunta si Goryo sa House nila troy ….
“Tol patawarin moko  sa nagawa ko sayo di ko na un uulitin“
“Goryo nakausap ko Si kimse kagabi mali din ung ginawa niya mahal ka niya inakala niya daw na mahal mo din siya kaya nagawa niya ung bagay na iyon sana sa susunod wag mo na ulitin sa akin iyon” Wika ni Troy kay Goryo..
“Oo Troy So ibig sabihin pinapatawad mo na ako”
 “Oo Goryo Babae lang naman iyon madami pa naman diyanng babae eH”
Muli kaming nagkasundo ang dalawa kagaya ng dati lagi silang  gumigimik pero paminsan minsan nalang nakaschedule na ang paggimik nang dalawa hindi narin sila gumugimik sa Music Warehouse dahil andon si Kimse
THE END!

Read More

simbang gabi story

Leave a Comment
Naglalakad si Mike noon papuntang simbahan para umattend ng simbang gabi kagaya ng dati wala na naman siya kasama pero  di na bago un para sa kanya…
Habang naglalakad nakabanggan niya si Nikka ….
“Ayy Sorry miss di mo kasi tinitignan dinadaanan mo  sa susunod kasi  wag ka magtetext habang naglalakad “ Pabulyaw na sinabi ni Mike kay nikka ….
“Eh so!!  ikaw pa ngaun ang may ganang magalit ?? ako na nga ung nabangga mo tapos sisermon mo pa ako  makaalis na nga baka masira pa ang simbang gabi ko dahil sa isang taong di tinitignan ang dinadaanan “
“Ayaw ko na rin makipagtalo sayo Miss sungit sige umalis kana sayang may itsura ka pa naman pero ang sungit mo”
Kinaumagahan patapos na ang simbang gabi habang naglalakad ulit si Nikka bigla na naman niyang nabangga si mike at sabay sabi ng dalawa ….
“Ikaw na naman ??? “
“Sinusundan mo ba ako”
“Ano ba??  talaga nga bang maliit ang mundo bakit ikaw na naman ang nakita ko, kapag  minamalas  ka naman oh !! sa dinami daming makabangga sa akin bakit ?? itong  bwesit na lalaki pang ito ?? malas “ Wika ni nikka kay Mike na galit…
“Langhiya oh !! Bakit nakita ko na naman itong babaeng ito ang sungit na nga ang feeling pa malasin ka sana pwee ”  Pabulong na Sinabi ni Mike sa kanyang sarili ….
“Oyy !! Lalaki wag mo nga akong sinusundan pwede???  kasi nakakainis kana  sinisira mo araw ko ” Bulyaw niya sa Binata habang nagtetext pa din na parang ayaw niya titigan ang lalaki…
Agad naglakad ang dalawa papalayo sa isat isa at nakasimangot  …..
Habang naglalakad si Mike nakita niya ang  kaibigan niyang  si Noel agad niyang kinuwento ang nangyari sa kanyang nakabanggaang babae sa simbang gabi …
“Pare alam mo ba may nakabanggaan akong babae kanina sa harap ng simbahan di lang isa kundi dalawang beses kami nagkabanggan pero sayang may itsura siya kaso masungit at mataray  muntik ko na nga patulan kung di lang siya babae sinira  niya araw ko gRrrrr !! ” Wika ng binta sa kanyang matalik na kaibigan …
“Oh talaga pare!!!  gusto mo di hantingin natin siya??  kung sinabi mong may itsura  pwede ko siguro siyang paglaruan at  paibigin alam mo naman ako pag sa mga ganyan bagay  hehehehehe “ Pabirong Sagot ni Noel kay Mike …..
“Sira ka talaga Noel Madami ka na ngang babae tapos idadagdag mo pa iyon buti nga gwapo ka at madiskarte sa chicks kakainggit ka nga  sana maranasan ko din yang mga ginagawa mo sa mga babae ”
“Alam mo pare Gwapo ka din naman kaso kulang ka lang sa porma at sa Diskarte gayahin mo ko madaming babae  ,  pare gusto mo bang turuan kita ng mga chicks moves ko ?? Para naman maging kagaya mo ko wag ka mag alala madali lang iyon“   Pabirong sinabi ni Noel kay Mike ….
“Sige nga paturo !!  nang chicks moves mo kung matutunan ko yan lilibre kita kahit saang restaurant at kahit umorder ka nang umorder ”
Lumipas ang oras araw at minuto inayusan at tinuruan si Mike ng Chicks moves ni Noel sa paglalakad at pagdiskarte ng mga babae pati sa pananalita halos lahat nang alam ni Noel sa pangbabae tinuro niya kay mike agad naman itong natutunan nang binata ….
“Oh ! ano pare ok ka na ba??  ready ka na Ba sa mga babaeng aaligid at pagtitilian ka kagaya ko?? mukhang gwapo ka pa nga sa akin  wag ka lang mahiya sa pagsasalita gusto mo bang itry yang mga natutunan mo sa akin sa babaeng nagtetext banda don sa may malapit sa hagdanan?? mukhang maganda siya pre  ” Wika ni Noel kay Mike …
“Sige pare gagawin ko na ung mga tinuro mo sa akin, saglit lang tatry natin kung mapapasagot ko siya agad  at kung  napasagot ko siya ibig sabihin aral na aral ko na ang mga tinuro mo sa akin “
Naglakad si Mike papunta sa dalagang may hawak na cellphone at nagtetext habang dala dala ang kanyang pinatas na bulaklak   …
“Hi miss!!  here is the flower for you beautiful leady??  Can I get your number ?? by the way im Mike and you are ??? “
“Yes!  Do I know you ??? “
“Ah ito ung nakabungguan ko dati sa simbahan ayos to di niya ako nakilala,  pagtritripan ko nga itong babaeng to para makabawi naman ako sa mga sinabi niya sa akin noon “ Pabulong na sabi ng binata sa kanyang sarili ..
“Oo miss !!  kilala mo ko  im Mike “ sagot ng binata sa dalaga habang nakangiti ..
“Ah ?? Kilala ko ba itong lalaking ito parang wala akong natatandaan  pero in fairness gwapo siya at mukhang mayaman pa di bali na nga lang aytzz “ Pabulong na sinabi ng dalaga sa kanya ding sarili …
Nagkakilala at nag usap ang dalawa kinuha ni mike ang number ng dalaga ….
“Oh ano Pare?? Believe  ka naba sa “Chicks move ko “ ano pano bayan ung pustahan natin sana tupadin mo “   Tanong ni Noel kay Mike …
“Oo pare astig ka talaga saka isa pa alam mo ung kinukwento ko sayo noon siya din pala yung babaeng kinuhanan ko ng number  ngayun ung libre mo sa ka nalang pag napasagot ko na si Nikka hehehe “
“Ah Nikka palang  name niya maganda siya  pagpatuloy mo lang hehehe sana mapasagot mo siya “ Wika ni Noel kay Mike …
Gabi na habang nakahiga sa kanikanilang kama ang dalawa  nagkabanatan ito ng ibat ibang pick up lines sa pamamagitan nang text sa isat isat ……
“naniniwala ka ba sa soulmate? ako kasi hindi... pero ngayon parang gusto ko nang maniwala.BooomM” Text ni Mike sa dalaga …
“OY;unggoy ka ba?
Boy ;ha??bakit??
Girl ;kasi umakyat ka na nga sa isip ko,sumabit ka pa sa puso ko Boom “
Reply ni Nikka kay Mike habang kinikilig ….”
“di ko na kailangan pa ng droga, dahil sayo pa lang adik na ako Boom ano Nikka may pick up lines ka pa ba ”
  “Ay na ko Mike tama na nga itong mga pick up lines na ito siya nga pala makikisimba kaba mamayang medaling araw para sa simbang gabi ?? “  tanong ng dalaga sa binata …
“Ah oo kaso wala ako,  kasama pwede ba ikaw nalang  kasama sa simbang gabi ?? “ 
“Oo naman mike wala din kasi ako kasama makisimba mamaya “
Madaling araw na tumilaok na ang manok nagring na rin ang alarm clock ni Nikka umpisa na ang pangalawang  simbang gabi habang si Mike ay mahimbing ang tulog sa kanyang malambot na kama  ….
“Anak! Anak ! Gising kana ?? makikisimbang gabi ka di ba ?? “  Wika ng ina ni Mike  …
“Opo inay” Sagot ni Mike habang may muta pa sa kanyang dalawang mata at laway sa kanyang bibig  …
“Oh siya Nagpainit ako ng maligamgam na tubig maligo kana para di ka mahuli sa mesa “ Wika ng kanyang ina  …
Naligo ang Binata at bihis na bihis tinignan ang kanyang cellphone muli niyang naalala na makikisimbang gabi pala sila ni dalaga  ….
“Hi mike saan kana ditto na ako simbahan wait kita sa harap text mo ko pag andito kana para alam ko dalian mo ah para di tayo mahuli sa simbang gabi  “
“Inay Alis napo ako pakisarado nalang po itong gate pagkaalis ko “
“Sige anak ingat ka ito oh, Baon mo pakibilhan narin ako ng puto sa daan mamaya “ wika ng kanyang ina  ..
Nagkita ang dalawa sa harap ng simbahan habang nag lalakad si Mike pinagtitinginan ito ng mga babae at mga baklang di mo maipinta ang mukha na parang may nakitang anghel na bumaba sa lupa  ….
“Oh ano Nikka tara na sa loob??  pasok na tayo malamig kasi sa labas “
“Ah sige tara na pinagtitinginan ka na kasi ng mga babae ang gwapo mo kaya  “ Wika ni Nikka sa Binata …
Pangatlong  araw na ng simbang gabi di namalayan nang dalaga na may pagtingin na pala siya sa binata agad naman itong nahalata ng binata pero hindi niya pinaalam sa dalaga dahil may plano silang dalawa ni ng kanyang matalik na kaibigan para sa kanilang pustahan …
“Mike Mahal Na ata kita di ko alam kung anong nakita oh naramdaman ko sayo pero ewan ko basta mahal na kita “ sambit ng dalaga sa binata …
“Alam mo Nikka pasensya kana pero hindi ikaw ang tipo kung babae !! nagpustahan lang kami ng aking matalik na kaibigan para sa kanyang mga tinuro sa akin at saka alam mo ung nakabanggaan mo noon ditto din sa harap ng simbahan ako un??  pinaglaruan lang kita Nikka pasinsya na “ Wika ng binata sa dalaga na parang wala lang sa kanya kahit masaktan ang nararamdaman dalaga ..
“Sooo ganun pinaasa mo lang ako minahal kita pero ganun lang ginawa mo sa akin walang hiya kang Mike “ Wika  ng dalaga sa Binata habang tumutulo ang kanyang luha Sabay sampal sa Binata …
The End !!!!!11

Read More

Miracle Life

Leave a Comment
“Pare kinakabahan ako sa gagawin natin baka mamaya maging O.A tayo dito sa harapan ng bahay nila melissa at baka mamaya may masabi ang mama at papa niya magback out nalang ata tayo” wika ni pelepe sa kanyang  matalik na kaibigan na si Jun …
“Alam mo andito na tayo ngayun mo pa naalalang magbaback out ??  sayang naman tong mga kasoutan natin, na hiniram ko pa sa aking lolo ano kaba??   ito ung turo sa akin ni lolo pedro maswerte ka nga ikaw ang unang gagawa nito sa iyong gustong ligawan,  ang paghaharana at para maging kakaiba naman diba??”  
“Pero tignan mo naman Jun sa ating mundo ngaun pinapatakbo ng technolohiya may cellphone at computer naman para gamitin sa panliligaw diba pwedeng iyon nalang ??  kasi nahihiya na ako sa ganitong kasuutan para manligaw” saGot ni pelepe habang pulang pula ang mukha ..
“Akong Bahala sayo??  ako rin naman nahihiya pero susubukan lang natin ito aking kaibigan kaya wag ka mag alala ok??  nanoud ako sa youtube ng mga nanghaharana din sa kanilang sinisinta pinag aralan kung mabuti kung anong umpisa at anong wakas ng thema natin dito kaya manalig ka lang at wag ka kabahan Pelepe”
Makalipas ang limang minutong pagpreprepara tumunog ang guitara at inumpisahan na ni pelepe ang pagkanta para sa kanyang sinisinta …

“Oh! Ilaw sa gabing madilim “ kanta ni pelepe sa kanyang sinisinta …
“Melissa halika ka nga ditto kilala mo ba itong mga taong to  parang ikaw ang kinakantahan “ wika ni aleng eseng lay melissa…
“Ay opo inay “ Sagot ni Melissa  sa kanyang ina …
“Hoy!! Pelepe at Jun anong ginagawa niyo dyan bat niyo ako kinakantahan nakakahiya sa mga tao at kapit bahay namin”
“May ipagtatapat sana si Pelepe sayo Melissa sana pakinggan mo siya “ Wika ni Jun kay Melissa …
“Ah ano kasi Melissa ,,, ahmmm ,,, hmmm hinaharana kita kasi mahal kita kung ok lang sana ako’y payagan mong ligawan ka at maipahayag ang aking nadarama “

Habang nagtatapat si pelepe,’  siya namang hiyawan ng mga tao na parang kinikilig sa mga sinasabing malulutong na bigkas ni pelepe kay Melissa muli na namang namula ang mukha ng binata   ….
“wOhh!!  Melissa payagan mo nayan manligaw sayo sayang ang effort at porma niya “ Sabi ng isang taong  di niya kilala..
“mga Anak pasok muna kayo ditto sa bahay naghanda ako ng kunting makakain at maiinom Melissa papasukin mo sila “ Wika ni aling eseng sa dalawa ….
Nagbugtong hininga si pelepe habang pumapasok sa bahay nila Melissa kasama ang kanyang  matalik na kaibigan na si Jun …
“Pare loko ka talaga di nalang natin sana tinuloy ito tignan mo pati mga tao nakiusyuso sa atin sigurado bukas ??  balita na naman ito sa ating baranggay  at sigurado pati sa eskwelahan pag uusapan tayo “ Bulyaw ng binata  sa kanyang matalik na kaibigan ….
“Eh ok lang iyon pare atleast pinadama mo ang iyong nararamdaman parang kanin yan  pag di mo inihipan di yan lalamig hahahaha “ Sagot naman nito kay pelepe ….
Habang sarap na sarap sa pagkain at inuming ginawa ni aling eseng kinausap ni Melissa si pelepe na nahihiya sa  ginawa ng dalawa….


“Alam mo pelepe nakakainis ka bakit?? Hinarana mo ko  papayagan naman kitang manligaw sa akin kahit sa text mo sabihin oh kahit sa personal para mas maganda kaysa ditto “ wika ni Melissa kay pelepe..
“pasensya kana melissa ang nakaisip kasi nitong aming ginawa ay si jun !!  pero ok naman ung ginawa namin diba atleast nag effort pa ko “
“Loko ka talaga sige pinapayagan na kita manligaw sa akin pero sa isang kundisyon sana naman wag mo na uulitin itong paghaharana mo  kasi di ako sanay sa mga ganun panliligaw??  swerte mo pag napasagot mo ako”
“So ??  Pinapayagan mo na ako Yeahhhh??  Pangako Melissa pag napasagot kita pasasayahin kita at gagawin ko lahat ng makakaya ko para maibigay sayo ang lahat ng gusto mo ” 
“Sabi mo yan ah kung hindi sige ka hehehehe “
“Oh!!!  Ano pelepe pinayagan ka na ba manligaw ?? “ Tanong ni Jun kay pelepe habang punong puno ang kanyang bibig nang tinapay at puto …
“Oo Jun salamat sa ginawa nating paghaharana at sa pagsasama sa akin magharana sa aking sinisinta kahit na hiyang hiya ako Apeeerrrr  tayo Dudes  “
“Ah aling eseng mauna na po kami pasensya na po sa pag aabala sa inyo sa disoras ng gabi at salamat din sa masarap na tinapay at juice nasarapan po kami“
“ok lang un mga anak ingat kayo sa daan” Sagot ni aling eseng kay pelepe
“Sige Melissa  mauna na kami”
Kinaumagahan Habang  naglalakad si pelepe agad niyang nakita si Melissa na naglalakad din papuntang eskwelahan nagsabay ang dalawa  ….

“Hi Melissa papasok ka naba pasensya kana di kita natext kagabi  kasi ubos na ang load ko !! ubos narin load nila aling goring kaya di ako nakapagpaload ”
“Ok lang un pelepe  sabay na tayo pumunta nang  school alam ko doon din ang tungo mo tama ba ko pelepe ??? “ wika ni Melissa kay pelepe …
“Oo doon din ang punta ko tara bilisan na natin baka mahuli pa tayo “…
Buwan na ang lumilipas hindi pa rin sinasagot si pelepe ng dalaga ??  isang araw habang naglalakad ang dalawa muli na namang tinanong ni pelepe si Melissa kung kailan ito sasagutin …..

 “Hmmm Melissa kailan mo ako sasagutin eh matagal na ako nanliligaw sayo ilang buwan na ah “ Tanong ng binata …
“Eh di ka ata makahintay pelepe ?? sige na nga kung gusto mo sasagutin na kita ngaun kaya wag kana magdrama diyan kasi di mo bagay para kang tuta na naghahanap ng gatas sa kanyang ina hahahaha“
“Oyy di ako tuta ah!!  Bheelaatt so sinasagot mo na ako ?? di nga ung totoo ??“
“Oo nga diba sinasagot na kita pelepe “
“Yess sa wakas kami na ni Melissa kami na woooooOOOO “
“Oyy pelepe tama na nga yan sige ka baka bawiin ko ung mga sinabi ko sayo “
“Ayy Melissa pwede humingi ng kiss “ tanong ni pelepe sa dalaga….
“Ah un lang ba sige pumikit ka Hmmmmmmmwaaaaaaaahhhxxxxx yan yan tama na ah“
Lumipas ang araw nagging masaya ang dalawa magkasama pumasok, magkasama kumain, at magkasama kahit saan pumunta un na ung hinahangad ni pelepe sa buong buhay niya  ang makatagpo ng isang babaeng mamahalin nito ng buong buo at walang halong biro hanggang sa isang gabi habang asa bahay  si melissa at nag iisa may pumasok na dalawang lalaki ……..

 “Sino kayo anong kailangan niyo sa akin ?? “ tanong ni Melissa sa dalawang lalaki …
“Wag ka maingay kundi papatayin kita wag ka sisigaw may kailangan lang kaming hanapin sa cabinet ng magulang mo “ sagot ng isang lalaki sa kanya habang tinatali ang dalawang kamay ni Melissa  sa may lamesa at binabalutan ang kanyang bibig ng twalya …
Tumunog ang telepono agad itong pinatay ng isang lalaki habang bitbit ang patalim sa kanyang baywang nakalagay ang baril  ….
“Bakit kaya ako pinatayan ng telepono ni Melissa usapan naming mag uusap kami ngaun sa telepono puntahan ko nalang siya sa kanilang bahay total medjo maaga pa naman at hindi pa masyadong gumagabi  “ wika ni pelepe sa kanyang sarili …
Naglakad si pelepe papuntang bahay nila habang naglalakad bigla itong  kinabahan na di maipaliwang kung anong kaba ang kanyang nararamdaman tumakbo ito ng mabilis papunta sa bahay nila Melissa hanggang sa matagpuan ni pelepe si Melissa nakatali ang dalawang kamay at ang twalya sa kanyang bibig  ……
“Melissa sinong may gawa niyan sayo??”
Agad  inalis ni pelepe ang tali sa kamay ni Melissa at twalyang nakatakip sa kanyang bibig …….
“Pelepe umalis kana baka patayin ka humingi ka nang tulong sa mga pulis magmadali ka” Sagot nito sa Binata ….
“Melissa di kita iiwan ditto sabay tayong aalis “
Hanggang sa nakita ito nang isang lalaki na may hawak hawak na baril sa kanyang kaliwang kamay nakita niya ang binata na inaalis ang tali sa kamay ni Melissa .

“taas mo kamay mo babarilin kita kung di mo itataas “ wika ng isang lalaki kay pelepe …
Habang natutuk ang baril sa ulo ni pelepe naglaban ito nakipag agawan ng baril sa isang lalaki  habang nakikipag agawan di sinasadyang nakalabit ito nang lalaki nabaril sa tagiliran si pelepe at tumakbo ang dalawang lalaki …..
“Magpakatatag ka pelepe pakatatag ka hihingi lang ako ng tulong” Wika ni Melissa sa binata habang dumadaloy ang dugo sa tagiliran ni pelepe  at umiiyak …
“Melissa wag na mamatay na ako mahal na mahal kita pakitandaan mo nalang yan at asahan mo kahit wala na ako…  gagawin ko parin ang gusto mo babantayan parin kita at aantayin kita sa kabilang buhay “
Dumating ang mga tao at tumawag ng ambolansya habang paparating ang ambolansya may binigay si pelepe kay Melissa …..

“Melissa itago mo ito at wag mo iwawala gusto ko lagi mo yan sout kahit  wala na ako ditto sa mundo”
“wag mo sabihin iyan pelepe wag mo akong iiwan malapit na ang ambolansya pakatatag ka parang awa mo na pelepe wag mo ako iiwan mahal na mahal kita ”

Nakarating na ang ambolancia at papunta na ito  sa ospital sakay si pelepe at melissa  habang asa ambulancia ang kondisyon ni pelepe ay 50 50 hanggang sa ilang oras na ang nakakaraan ….
Ilang minuto  ang nakalipas nakarating din sa wakas ang ambulancia sakay si pelepe sa ospital alalang alala si Melissa  ….
“Dok musta na po si pelepe ok na po ba siya anong kalagayan niya pwede ko po ba siya tignan ??” Tanong ni Melissa sa Doctor…
“Ah Melissa pasinsya kana patay na siya di naming siya naisalba sa kamatayan”
“Di totoo yan gigising pa si pelepe wag kayo magsinungaling dok“ Bulyaw ni Melissa sa Doctor habang umiiyak ……..
Pumasok si Melissa sa room kung saan andon ang bangkay ni pelepe niyakap niya ito at iniyakan umiyak ng umiyak at sinabing panginoon kung kukunin mo si pelepe kunin mo narin ako  ilang minuto na ang nakakaraan biglang   gumalaw ang kamay ni pelepe at muli itong nabuhay ………
“Dok!  buhay po si pelepe tignan niyo po siya gumalaw po ang kamay niya“
Agad naman tumakbo ang nurse at doctor kung saan andon si pelepe agad itong sinuri ….
“Oh it’s miracle buhay siya may awa ang diyos dininig niya ang panalangin mo Melissa “ wika ng doctor na manghang mangha sa kanyang nasaksihan….
Agad inobserbahan si pelepe lumipas ang araw at buwan  magaling na si pelepe at kinuwento niya ang mga nangyari sa kanya sa kanyang matalik na kabigan dumating din ang araw na magpapakasal na sila Melissa at pelepe kahit silay kakatapos palang ng high school ….
Namuhay ng masaya ang Dalawa nagkaroon ng ilang malulusog na anak at habang nagtratrabaho si pelepe nag aaral naman sa koleheyo si Melissa para ipagpatuloy ang kanyang kursong abogasya …
The End  Just Comment and follow me thank you ....phiL..

Read More

internet lab... part 3

Leave a Comment
“Salamat kung ganun James asahan mo gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sa akin ibibigay ko kung anong mayroon ako at kung anong gusto mo “ sagot nito sa akin …
“Jane hindi naman ari arian ang gusto ko !! ang gusto ko kung pano kita mamahalin at kung pano mo ko mahalin “
“Ah basta gagawin ko lahat yon “
“tara at ihahatid na kita sa inyo para walang masabi mga magulang mo “ tanong ko sa kanya..
Habang asa daan at umaandar ang dyip nakita ko ang aking kaibigan na si Mikko  

“Oh James ang aga niyo namang pumunta sa School at bakit magkasama pa kayo ni Jane ??” tanong nito sa akin habang nakikinig ng musika …
“Ehhh may ginawa lang kasi kami ni Jane na project napag usapan naming dalawa na maging maaga nalang kami para maaga din namin matapos ang pinapagawa sa amin ni Mrs. Rosa “ sagot ko sa kanya habang namumula ang mukha ..
“Ah ganun ba buti naman diba nextweek pa natin ipapasa iyon sa kanya ??”
“Oo tama ka mikko ang gusto ko kasi maaga naming matapos para wala na akong problemahin dami dami kasing pinapagawa ni mrs. Rosa “
“Tama ka Jan James ?? Manong Para sa tabi !! Sige ditto na ako may pinapabili kasi si mama na ulam at iyon daw ang almusal naming ingat kayo “
“Sige ingat ka din mikko ikamustahan mo nalang ako kay tita “
“Muntik na iyon ah kala ko mahuhuli na ako kinabahan ako doon “ Wika ko kay Jane
“Buti nalang marunong ka magpalusot James kundi lagot tayo chismoso pa naman si mikko at alam mo yun “
“Oo nga alam ko yun noh ?? Dito na ata yun bahay niyo parahin mo na sa tabi “
“Manong para lang po sa dyan sa may kanto “ wika ni jane  sa Dryber …
Ding dong!!!   
Ding dong!!!   
Ding dong!!!   
Tunog nang Door bill ..

“Ang laki pala ng bahay niyo Jane mayaman ka pala “
“Eh hindi naman ayy si mama pala saglit lang at tatawagin ko sila ipapakilala kita ako narin bahalang magpapaliwanag kung bakit di ako nakauwi kagabi “
“Ah!! Wag nalang kinakabahan ako !! mauuna nalang ako baka kasi hinahanap na ako ng magulang ko “
“Dito ka nalang mag almusal James ipapahatid na kita sa dryber namin ayan nap ala si mama eh mama si James pop ala kaibigan ko ” wika nito sa akin …
“Magandang umaga po”
“Ah kaw pala yung James na kinikwento ng akin anak sa akin musta ka ??” wika ng kanyang ina
“mabuti naman po ako mam salamat po “
“Kumain naba kayo saglit lang at malapit na maluto ang niluluto ng mga katulong namin maupo muna kayo dyan “
“Salamat po mam pero kailangan ko napo umuwi kasi hinahanap napo ako ng magulang ko sige po “
“Ah ikaw bahal James pasyal ka ditto minsan ah para makapagkwentuhan naman tayo salamat sa paghatid sa aking anak “
“Ma hatid ko lang po siya sa labas ah “
“Jane ang bait pala ng mama mo sayang at diko sila makakakwentuhan pero minsan papasyal ako ditto “
“anytime welcome ka ditto “
“Sige Jane mauna na ako text nalang kita maya pag nakauwi na ako“
“Ingat ka James “
Matapos ang lahat agad agad akong umuwi sa aming bahay at habang asa dyip nag iisip ako kung anong palusot ang sasabihin ko sa aking magulang

Magandang umaga po inay pasensya na po kayo at ngayun lang ako nakauwi kasi may ginawa pa kaming project sa school alam niyo naman po busy na ako lagi kasi malapit na ang exam “ wika ko sa aking inay
“Ah ganun ba anak maganda iyan pero sana naman magpaalam ka sa akin kung gagawa kayo ng project para naman di kami mag alala ng iyong itay “
“Opo inay din a po mauulit magpapaalam ako sa inyo pag magagabihan ako”
“Sige! kumain kana nakahanda na yung pagkain “
“Sige po”
Pagkatapos nang ilang minutong pagkain agad kung tenext si Jane 



“Hi Jane musta ka naman na ??”
“Ok lang naman namimiss kita James kita tayo maya gusto mo ??”
“AH?? magkikita magkasama lang tayo kanina ah ?? di ka paba nagsasawa sa mukha ko at siya nga pala pinagalitan ka siguro ng mama mo ano ??
“Ah hindi naman James pinaliwanang ko kasi lahat pero nagsinungaling ako sa kanila James sige na magkita na tayo pleasseeee !! “
“Hmmm Sige na nga pero wag tayo magpapagabi saglit lang at magpapaalm ako sa magulang ko para alam nila kung saan ako pupunta “
“Ok !! James “
“Ina may pupuntahan po ako kasama ko po Kasama ko po si Jane may gagawin daw kami “
“Sige uwi ka nang maaga ah at wag ka papagabi ??” wika ng aking ina ..
“Opo”
“Jane nakapagpaalam na ako kita nalang tayo sa harap ng school ingat ka “
“Ok !!! on the way na ako “
Makalipas ang ilang oras asa school na ako kasama ko narin si Jane 

“Jane saan mo ba balak pumunta ?? “
“ako bahala sama kalang sa akin ok “ sagot nito sa akin kasabay na kanyang paghalik sa aking labi..
“basta ikaw na ang bahala wala akong dalang pera ditto”
“Manuod tayo ng movie may bagong palabas ngayun “
“Sige ba ??”
“Habang asa sinehan muli na namang nagdikit ang aming malambot na labi kasabay ng palabas sa sinema”

“alam mo Jane ang galing mo talaga humalik hahahaha “ Pabirong sinabi ko sa kanya ..
“eh pati ikaw rin kaya”
“Ayy nagugutom tuloy ako tara libre mo ko sa mcdo labas na tayo ditto “
“Sige James I love you “
“Oo na tara na “
Kumain kami at pagkatapos kumain naglaro kami sa World of Fun sa isang kilalang mall sa aming lugar  at pagtapos naming maglaro umuwi na kami agad para din a kami magabihan

“Jane salamat ah nag enjoy ako kanina sa mga ginawa natin “
“Walang problema James basta sa susunod ulit ah “
“Sige I love you Jane“wika ko sa kanya
“Ano?? Ano?? Anong sabi mo james pakiulit ??”
“Wala sabi ko ingat ka sa pag uwi”
“oo na I love you too James Bheeelat !!! “
Kasabay ng paglubog ng araw ang mga ngiti na siyang aming naranasan sa araw na iyon at dumaan ang mga araw isang kagulat gulat na balita ang  aming natuklasan

“James wag ka magugulat ah ??”
“Ano yun Jane ??
“Buntis ako James “”
“Ano wag ka nga magbiro ng ganyan di ka nakakatawa “
“Di ako nagbibiro James kahit tignan mm itong fregnancy test naramdaman ko ito noong mga nakaraang araw hindi ako dinatnan noong una akala ko delay lang ang regal ko pero nong naramdaman kung din a ako dinadatnan bumili ako agad ng fregnancy test ito nga ang proweba “wika nito sa akin …
“AHHHHH di pwede yan madami pa ako pangarap sa Buhay bakit ganyan hindi akin yan wag ka magsinungaling” Sagot ko sa kanya …
“Di ako nagbibiro James panagutan mo sana ito “
“Ipalaglag mo iyan Jane isang malaking kahihiyaan yan sa aking pamilya”
“Ano kaba ipapalaglag ?? gago kaba papatayin mo anak natin hindi pwede  yan kung ayaw mo panagutan itong bata sige ako ang magpapalaki ditto “
“Ah basta di sa akin iyan di ko naman pinutok sa loob ang at sigurado ako doon baka sa ibang lalaki iyan “
“anong tingin mo sa akin babaeng pok pok ??  babaeng mapupulot lang sa daan ano kaba james ako magpapalaki sa batang ito kaya wag ka mag alala mamahalin ko ito kung di mo siya kayang panindigan “
Makalipas ang ilang buwan nahalata nang mga magulang ni Jane na lumalaki ang tiyan niya 

“Jane bakit parang lumalaki tiyan mo Buntis kaba ??” tanong ng kanyang ina ..
“Opo mama Buntis po ako at pasensya nap o kayo kung itinago ko ito di ko naman po akalaing mabubuntis ako “ wika ni Jane sa kanyang ina habang umiiyak ..
“Sinong ama ng dinadala mo ??? “ tanong ng kanyang ina habang galit na galit …
“Si James po ?? “
“pwede ba natin siyang puntahan sa kanilang bahay??”
“Sige po mama”
Pumunta si Jane at kasama ang kanyang ina sa bahay namin pero agad akong nagpakalayo layo upang makaiwas sa sumbat ng aking ina lumayas ako sa bahay namin hindi na nila ako naabutan pero makalipas ang ilang taon agad kung hinanap sila jane at aking anak

“Jane ikaw ba yan??” tanong ko sa babae
“James ?? “ sagot nito sa akin
“Jane ako nga ito kumusta kana ??”
Lumapit ito sa akin agad akong niyakap at sinabing

“James ?? matagal na kitang hinihintay kala ko iniwan mo na ako san kaba nagpunta ??” tanong nito sa akin habang umiiyak at higpit na higpit ang yakap sa akin..
“Pasensya kana Jane sa mga nagawa ko sayo di ko lang alam kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon litong lito ako “ sagot ko sa kanya..
“ok lang yun lumipas naman na eh di na natin maibabalik ang nakaraan siya nga pala ito ang anak natin matagal ka na niya hinihintay ang pinangalan ko sa kanya ay “James” kapangalan mo para maalala kita lagi “
kinuha ko ang anak namin at niyakap ng mahigpit na mahigpit pagkatapos ng ilang buwan nagpakasal kami sa simbahan at namuhay ng masaya at maligaya

The End !!!!

Read More