Monday, July 23, 2018

Sa riles part 2

Leave a Comment
“hi po musta ka si Ethan pala ito “ text ko sa kanya ..
“ayy kaw pala yan musta ka ??? oh napatext ka sa akin ??”
“eh wala lang bakit masama ba na etext kita eh kaya ko nga hiningi number mo eh diba para mtxt kita ang ganda mo kasi kung di ka lang masungit ???
“Tumigil ka nga jan ethan pag nagalit ako sige ka baka di na kita etxt nyan habang buhay siya nga pala papasok na ako sa work ko ingat ka nalang jan”
“Ok kaw din ingat ka din san kaba nagwowork ??”
“Sa robinson!! sige text nalang kita mamaya magtitime in na ako Bye “
Pagkalipas ng ilang oras muli ko na naman nakatext si iyah
“Hi Ethan musta ang araw mo ?? pasensya ka na kasi di kita natext kanina kasi may work ako” text nito sa akin …
“Ah ok lang yun wag ka mag alala nagtxt ka naman na sa akin eh …iyah pwede ba tayo magkaroon ng call sign ??? “ reply ko sa kanya ..
“At ano naman yun ??baka mamaya may magalit sayo ah ???”
“Ah wala naman wala nga ako G.F bat may magagalit eh baka ikaw jan may B.F kana??”
“eh ano kaba paryas taong single kaya bagay tayo jowk “..
“Ai sige pwede bang babe ang tawagan nalang natin para naman medjo kakaiba kung ok lang sayo ??”
“Ah sige ba Babe nalang total paryas tayong single “
“ah sige Babe”
Sa pagtetext naming dalawa di naming namalayan ang oras madaling araw na pala narinig ko na ang mga pagtilaok ng mga manok at naramdaman ko narin ang lamig simoy ng hangin..
“Babe madaling araw na pala ...tara at matulog na tayo hehehe “text ko sa kanya ..
“Sige babe sana ganito ulit mamayang gabi…”reply nito sa akin ..
“oo pangako ..babe baka mahulog na ako nyan sayo ah ??kaya humanda ka pag nahulog talaga ako sayo ”
“Eh di sasaluhin kita nong problema don diba ???”
“Weh sabi sabi mo lang yan eh baka mamaya iwanan mo din ako kagaya ng mga ex. Ko dati iniwan ako  “
“hindi yan ako pa basta wag ka lang magloloko ok !! “
“Ah babe..bakit tayo naba ??? text ko sa kanya ..
“Eh di kappa nanliligaw diba …bat magiging tayo pwede manligaw ka muna ??pwede pwede”sagot nito sa akin ..
“ah sige ba wag ka mag alala liligawan kita …mamaya pupunta ako don sa pinagtratrabahuan mo pasyal ako doon ok!!  sige tulog na tayo antok na ako salamat sa time mo “text ko sa kanya…
Habang siya’y tulog ako naman ay nag iisip kung liligawan ko ba siya o hindi magdamag kung pinag isipan di na nga ako natulog dahil sa kanya
“Good morning Babe kamusta ang tulog mo??” text nito sa akin …
“Good morning din Babe an gaga mo nagising ah ??diba mamayang 9am pa ang work mo ??? eh 6am palang ah “ reply ko sa kanya …
“eh sabik kasi akong etxt ka kaya maaga akong nagising… “ biro nito sa akin ..
“umagang umaga Babe nagbibiro ka ?? …ako din maaga ako nagising kasi ginising ako ng text mo kaya yun “ reply ko sa kanya …
Nagpatuloy ang conversation naming dalawa sa paglipas ng oras at minutong dumadaan niyaya ako para matulog sa kanila mamayang gabi …
“Babe pwede kaba matulog sa amin mamaya ???” tanong nito sa akin …
“Eh noh naman gaawin ko dyan ..” sagot ko sa kanya ..
“Wala lang gusto ko lang sana na samahan mo ako …kasi gusto kita makatabi matulog kung ok lang sayo …” wika nito sa akin ..
“ah saglit pag iisipan ko pa …baka kasi di ako payagan nila mama eh “ sagot ko sa kanya …
“Papayagan ka nila basta magpalusot ka lang hehehehe “
“eh sige na nga ako na bahala magpaliwanag sa kanila mamaya …basta punta ako jan sa inyo pero di ko alam kung saan etext mo nalang ako para alam ko ok ..
“sige ba …magdala ka nalang ng ulam natin mamaya para naman may kainin tayo …sige papasok na ako ingat ka nalang… kita nalang tayo mamaya mga 6:30pm sa robinson mall ok …
Pumatak na ang 6:30 ng gabi siya naman antay ko sa text ni iyah habang naghihintay ako nakita ako ng aking kaibigan si Megs
“oh Ethan may hinihintay ka ata ah …” tanong ni megs sa akin ..
“Oo hinihintay ko text ni iyah magkikita kasi kami ngayun ….doon daw ako makikitulog sa Boarding house nila “ sagot ko kay megs …
“ yung nakilala ba natin sa Music Warehouse yung magandang babae ang tibay mo talaga pari …sige ingat ka nalang dyan “ wika nito sa akin ..
“Oo siya nga …yun nagtext na siya sige pari puntahan ko lang siya sa food court…gust mo sumama??  “sagot ko kay megs ..
“sige punta kana doon …may pinapabili kasi sa akin kaya ikaw nalang ingat ka nalang enjoyin mo nalang ang gabi mo na kasama si iyah “
“pasensya kana kung pinaghintay kita Ethan ah ..” wika sa akin ni iyah ..
“Ok lang di naman masyadong matagal yung pinaghintay ko sayo so ano tara na gimik tayo ngayun ??”
“Sige ba basta libre mo Ethan go ako dyan ”
Pumunta kami sa discohan at uminom enenjoy namin ang gabing magkasama kami lokohan asaran at biruan di naglaon nahulog na ako ng tuluyan sa kanya ..
“iyah mahal na kita ..” wika ko kay iyah ..
“Ano Ethan ??di ko marinig maingay kasi ” sagot nito sa akin ..
“Sabi ko  I love you ..” sabay halik sa kanyang mga labi ..
“Bat mo ako hinalikan ??? tayo naba ??? nanligaw ka naba ” bulyaw nito sa akin ..
“di pa pero magiging akin ka din iyah …pasensya kana kung nahalikan kita dala lang ng alak yun “ sagot ko sa kanya ..
“Ok …lasing ka na eh tara uwi  na tayo sa Boarding house namin inaantok narin ako at may tama na “
Habang nakasakay sa Bus at nakasandal ang ulo ko sa may balikat niya isang seryosong tanong ang bumulagta sa akin tainga
“Ethan pag sinagot ba kita ngayun di mo ba ako lolokohin “ tanong ni yah sa akin ..
“ano ???lasing kaba iyah ??” sagot ko sa kanya ..
“Sabi ko pag sinagot ba kita ngayun di mo ako lolokohin kasi ayaw ko na magpaloko alam mo…noong unang pagkikita natin ang totoo niyan nainlove na ako sayo pero kinikilatis mo na kita “
“Ah ibig sabihin non tayo na??” tanong ko kay iyah ..
“Oo …tayo na “
Sa mga oras na yun na kasama ko siya ang saya ko pati nga tama ko nawala ng dahil lang sa gabing iyun at pagsagot ni iyah sa akin …
“yan andito na tayo sa Boarding House ..pasensya kana kung maliit lang itong Boarding house namin ito lang kasi nakayanan ng pera ko para rentahan“
“Ok lang yun medjo maiinit nga lang “
“kaya nga pasensya na talaga “
Sa kalagitnaan ng gabi siya ang aking kasama natulog kami ng magkayakap at Masaya ng di kalaunan may biglang kumatok

If You Enjoyed This, Take 5 Seconds To Share It

0 comments:

Post a Comment