Oh! Aking sinisinta ako’y iyong pahintulutan
Ikay aking ipinta sa mukha mong kay ganda
Siguradong papel at lapis ko’y matutuwa
Sa iyong Labi na singpula ng isang matingkad na krayola
Ako’y gaganahan ika’y igawahan ng walang kapantay na pustura
At sa iyong ngiti pati pustiso ko’y napapanganga
Hugis ng iyong katawan at buhok na pang artista ang thema
Siguradong lahat ng makakakita sa gawa ng isang makata
Ay hahangaan ka at gagawing OBRA MAESTRA
Oh! Aking sinisinta hayaan mong ika’y pasikatin ng isang makata
At padamihin ang iyong mga taga hanga
Sa pamamagitan ng pagpinta sa aking munting Papel na dala ay ligaya
0 comments:
Post a Comment